-
Filipos 3:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Higit pa riyan, itinuring ko ring walang halaga ang lahat ng bagay dahil sa nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus na aking Panginoon. Alang-alang sa kaniya, tinalikuran ko ang lahat ng bagay at itinuring na basura ang mga iyon para makuha ang pabor ni Kristo
-
-
Filipos 3:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Aba, kung tungkol diyan, tunay ngang ang lahat ng bagay ay itinuturing ko rin na kawalan dahil sa nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus na aking Panginoon.+ Dahil sa kaniya ay tinanggap ko ang kawalan ng lahat ng bagay at itinuturing kong mga basura ang mga iyon,+ upang matamo ko si Kristo
-
-
Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
basura: Dito lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang terminong isinaling “basura.” Puwede rin itong isaling “dumi ng hayop.” Sa paggamit nito, ipinakita ni Pablo kung ano na lang ang tingin niya sa mga tagumpay at tunguhing gustong-gusto niyang maabót noon bago siya maging Kristiyano. (Tingnan ang study note sa Fil 3:5.) Sinabi niya kung gaano siya kadeterminadong huwag nang balikan at panghinayangan ang lahat ng tinalikuran niya noon. Kung napakahalaga sa kaniya noon ng mga bagay na ito, basura na lang ang tingin niya dito ngayon kung ikukumpara sa “nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus.”
-