-
Filipos 3:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Gayunman, anumang antas ng pagsulong ang naabot na natin, patuloy tayong lumakad nang maayos sa gayong landasin.
-
-
Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
patuloy tayong lumakad nang maayos sa gayong landasin: Ang pandiwang Griego na isinalin ditong “lumakad nang maayos sa gayong landasin” ay pangunahin nang nangangahulugang “pumila.” Isa rin itong terminong pangmilitar noon na tumutukoy sa maayos at sabay-sabay na pagmamartsa ng mga sundalo na nasa unahan ng hukbo. Pero nang maglaon, nangangahulugan na rin itong “sumunod sa; maging kaayon ng; manghawakan sa” isang landasin o pamantayan. Maliwanag na ang nasa isip ni Pablo ay isang paraan ng pamumuhay na tuloy-tuloy ang pagsulong. Kailangan ng mga taga-Filipos na patuloy na mamuhay bilang Kristiyano at manghawakan sa mga katotohanan at pamantayang natutuhan nila. Ang ekspresyong “lumakad nang maayos” ay ginagamit din para isalin ang iba pang paglitaw ng pandiwang Griegong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan.—Gal 5:25, tlb.; Gal 6:16.
-