Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 3:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 babaguhin niya ang mahinang katawan natin para maging gaya ng* kaniyang maluwalhating katawan+ sa pamamagitan ng malakas na kapangyarihang gagamitin niya para ipasakop ang lahat ng bagay sa kaniyang sarili.+

  • Filipos 3:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 na siyang magbabagong-anyo sa ating abang katawan+ upang maiayon sa kaniyang maluwalhating katawan+ ayon sa pagkilos+ ng kapangyarihang taglay niya, upang ipasakop+ nga sa kaniyang sarili ang lahat ng bagay.

  • Filipos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:21

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 623

      Nangangatuwiran, p. 275

  • Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:21

      babaguhin niya ang mahinang katawan natin para maging gaya ng kaniyang maluwalhating katawan: Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang pagbabagong kailangang mangyari sa pinahirang mga Kristiyano para maging posible na mabuhay sila sa langit bilang espiritu at maging kasamang tagapagmana ng Panginoong Jesu-Kristo. Kailangan muna nilang mamatay bilang tao. Pagkatapos, sa itinakdang panahon ng Diyos, bubuhayin silang muli na may isang bagong katawan na ibang-iba sa dati. (2Co 5:1, 2) Magkakaroon sila ng isang katawang espiritu na di-nasisira, at magiging imortal sila. (1Co 15:42-44, 53; tingnan ang study note sa 1Co 15:38.) Ganiyan ang kailangang mangyari sa mahina at di-perpektong katawan nila para ito ay “maging gaya ng” (lit., “maiayon sa”) maluwalhating espiritung katawan ni Kristo.—Ro 8:14-18; 1Ju 3:2.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share