-
Filipos 4:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Sa katapus-tapusan, mga kapatid, anumang bagay na totoo, anumang bagay na seryosong pag-isipan, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis,+ anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na may mabuting ulat, anumang kagalingan ang mayroon at anumang kapuri-puring bagay ang mayroon, patuloy na isaalang-alang ang mga bagay na ito.+
-
-
Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
matuwid: Tingnan sa Glosari, “Katuwiran.”
malinis: O “dalisay.” Ang salitang Griego na ginamit dito ay tumutukoy sa pagiging malinis at banal, hindi lang sa paggawi (seksuwal na paraan o iba pa), kundi pati na rin sa pag-iisip at motibo.—Aw 24:3, 4; Efe 5:3; 1Ti 4:12; 5:2; San 3:17; 1Pe 3:2.
patuloy na isaisip: Ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo ay nangangahulugang “isaalang-alang”; “bulay-bulayin”; “ipokus ang isip.” Ang anyo ng pandiwang ito ay nagpapahiwatig ng patuluyang pagkilos. Kaya ginamit ng ibang mga salin ang pananalitang “punuin ang inyong isip” o “huwag tumigil sa pag-iisip” ng nakakapagpatibay na mga bagay na binanggit ni Pablo. Nakakaapekto sa pagkilos at pamumuhay ng isang Kristiyano ang positibong mga kaisipan.—Fil 4:9.
-