Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos 4:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ang totoo, alam ninyong mga taga-Filipos na noong maipaabot sa inyo ang mabuting balita at nang umalis ako sa Macedonia, walang ibang kongregasyon ang nagbigay ng tulong sa akin o tumanggap ng tulong mula sa akin maliban sa inyo;+

  • Filipos 4:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sa katunayan, kayong mga taga-Filipos ay nakaaalam din na sa pasimula ng pagpapahayag ng mabuting balita, nang lumisan ako mula sa Macedonia, walang isa mang kongregasyon ang nakibahagi sa akin may kinalaman sa pagbibigay at pagtanggap, maliban lamang sa inyo;+

  • Mga Study Note sa Filipos—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:15

      Macedonia: Tingnan sa Glosari.

      nagbigay . . . o tumanggap: Ang pananalitang Griego na isinaling “nagbigay . . . o tumanggap” ay karaniwan nang ginagamit sa pagnenegosyo para tumukoy sa “ipon at utang.” Maliwanag na ang tinutukoy ni Pablo dito ay ang pinansiyal na tulong na tinanggap niya mula sa mga Kristiyano sa Filipos. Nagbigay sila kay Pablo ng materyal na tulong dahil napahalagahan nila ang espirituwal na tulong niya sa kanila. (Ihambing ang 1Co 9:11.) Sa simula pa lang, nang magpakita si Lydia ng kahanga-hangang pagkamapagpatuloy kay Pablo at sa mga kasama niya, nagkaroon na ang mga taga-Filipos ng magandang reputasyon sa pagiging bukas-palad. (Gaw 16:14, 15) Nagpadala ang kongregasyon ng pinansiyal na tulong kay Pablo nang di-bababa sa apat na beses para makasuporta sa ministeryo niya. Ang huling nabanggit ni Pablo ay nang magpadala sila ng tulong sa pamamagitan ni Epafrodito habang nakabilanggo siya sa Roma, at isa ito sa mga dahilan kung bakit niya isinulat ang liham na ito. (2Co 11:9; Fil 4:14, 16, 18) Sa mga liham ni Pablo, pinuri niya ang iba’t ibang kongregasyong Kristiyano dahil sa kanilang pagkabukas-palad, at nakapagpasigla ito sa lahat ng iba pang alagad na maging bukas-palad din.—Ro 15:26; 2Co 8:1-6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share