Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Colosas 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 sa mga banal at sa tapat na mga kapatid sa Colosas na kaisa ni Kristo:

      Sumainyo nawa ang walang-kapantay na kabaitan at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama.

  • Colosas 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 sa mga banal at sa tapat na mga kapatid na kaisa+ ni Kristo sa Colosas:

      Magkaroon nawa kayo ng di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama.+

  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:2

      mga banal: Tingnan ang study note sa Ro 1:7.

      Colosas: Lunsod na nasa timog-kanluran ng Asia Minor na bahagi ng Romanong lalawigan na Asia noong panahon ni Pablo. (Tingnan sa Glosari, “Asia”; Ap. B13.) Maganda ang lokasyon nito sa lambak ng Ilog Lycus dahil daanan ito ng mga mangangalakal sa mga lunsod sa Baybaying Aegean at mga lunsod sa silangan. Pagsapit ng unang siglo C.E., naging mayaman na rin ang katabi nitong lunsod na Laodicea at Hierapolis. Patuloy na naging kilalá ang Colosas dahil sa produkto nitong tela, partikular na ang magandang klase ng lana na tinina sa colossinus, ang tawag sa tinang kulay-ube na mamula-mula. Ang mga guho ng lunsod na ito, na mga 4 km (2.5 mi) ang layo sa bayan ng Turkey na Honaz, ay hindi pa nahuhukay ng mga arkeologo.

      Sumainyo nawa ang walang-kapantay na kabaitan at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama: Tingnan ang study note sa Ro 1:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share