Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Colosas 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Pero siyempre, kailangan ninyong patuloy na mamuhay kaayon ng inyong pananampalataya,+ na nakatayong matatag+ sa pundasyon,+ hindi naililihis sa pag-asa na mula sa mabuting balitang iyon na narinig ninyo at ipinangangaral sa lahat ng nilalang sa buong lupa.*+ Akong si Pablo ay naging lingkod* ng mabuting balitang iyon.+

  • Colosas 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 sabihin pa, kung kayo ay nananatili sa pananampalataya,+ na nakatayo sa pundasyon+ at matatag+ at hindi naililihis mula sa pag-asa ng mabuting balitang iyon na inyong narinig,+ at siyang ipinangaral+ sa lahat ng nilalang+ na nasa silong ng langit. Tungkol sa mabuting balitang ito, akong si Pablo ay naging ministro.+

  • Colosas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:23

      Lubusang Magpatotoo, p. 217

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      4/2020, p. 6-7

      Ang Bantayan,

      3/1/2010, p. 29

      4/1/2001, p. 11

      Tagapaghayag, p. 28

  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:23

      ipinangangaral sa lahat ng nilalang sa buong lupa: Lit., “ipinangangaral sa lahat ng nilalang sa silong ng langit.” Hindi naman sinasabi dito ni Pablo na literal na nakarating ang mabuting balita sa lahat ng lupain sa buong mundo. Ipinapakita lang niya na napakalawak ng naabot ng mabuting balita. (Ro 1:8; Col 1:6) Noong isinulat ni Pablo ang liham niya sa mga taga-Colosas, lumaganap na ang mensahe ng Kaharian sa Imperyo ng Roma at sa iba pang lupain. Sa katunayan, halos 30 taon bago nito, dinala ng mga Judio at proselita na yumakap sa Kristiyanismo noong Pentecostes 33 C.E. ang mensahe sa Parthia, Elam, Media, Mesopotamia, Arabia, Asia Minor, mga lugar sa Libya malapit sa Cirene, Roma, at posibleng sa iba pang lupain—ang saklaw ng “mundo” na alam ng mga mambabasa ni Pablo noon. (Gaw 2:1, 8-11, 41, 42) Makikita din sa sinabi ni Pablo sa Roma kabanata 15 na ang sinabi niya dito ay hindi dapat unawain nang literal. Doon, binanggit niyang kailangan pang makaabot ang mabuting balita sa Espanya.—Ro 15:20, 23, 24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share