Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Colosas 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 at isuot ninyo ang bagong personalidad,+ na sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman ay nagiging bago at mas katulad ng personalidad ng Isa na lumikha nito.+

  • Colosas 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 at damtan ninyo ang inyong sarili ng bagong+ personalidad, na sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman ay ginagawang bago ayon sa larawan+ ng Isa na lumalang nito,

  • Colosas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:10

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1272-1273

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      8/2017, p. 22

      Gumising!,

      7/8/1995, p. 26

      Ang Bantayan,

      11/1/1990, p. 5-6

      4/15/1990, p. 27

      4/1/1990, p. 16-20

      2/1/1989, p. 5

      Salita ng Diyos, p. 176-179

  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:10

      bagong personalidad: Ito ang makasagisag na kasuotang ipapalit ng isa sa hinubad niyang “lumang personalidad.” (Tingnan ang study note sa Efe 4:24; Col 3:9.) Ang “bagong personalidad” na ito ay binubuo ng magagandang katangian ng Diyos, kaya “katulad [ito] ng personalidad” ng Diyos na Jehova. Ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo ay ginamit din ng Septuagint sa Gen 1:26 para sa “larawan.” Kaya naipaalala ni Pablo sa mga Kristiyano sa Colosas na kahit di-perpekto ang mga tao, puwede pa rin nilang pagsikapang tularan ang magagandang katangian ng Diyos.—Tingnan ang study note sa Efe 5:1.

      nagiging bago: Gumamit dito si Pablo ng isang salitang Griego na hindi pa ginagamit noon sa mga sinaunang literaturang Griego. Ang anyo ng pandiwang ginamit dito ay nagpapahiwatig na hindi lang ito gagawin nang minsan, kundi isa itong patuluyang proseso. Kung hihinto ang isang Kristiyano sa pagsisikap na magkaroon ng bagong personalidad, malamang na lumitaw ulit ang luma niyang personalidad. (Gen 8:21; Ro 7:21-25) Kaya idinidiin dito ni Pablo sa mga Kristiyano na mahalagang patuloy nilang isabuhay ang tumpak na kaalamang natutuhan nila tungkol sa Kristiyanong personalidad. Kailangan nilang magsikap nang husto para magkaroon sila ng mga katangiang binanggit ni Pablo sa talata 12-15.—Tingnan ang study note sa 2Co 4:16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share