Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Colosas 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa+ kahit pa may dahilan kayo para magreklamo laban sa inyong kapuwa.+ Kung paanong lubusan kayong pinatawad ni Jehova,* dapat na ganoon din ang gawin ninyo.+

  • Colosas 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa+ kung ang sinuman ay may dahilan sa pagrereklamo+ laban sa iba. Kung paanong si Jehova ay lubusang nagpatawad sa inyo,+ gayon din naman ang gawin ninyo.

  • Colosas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:13

      Malapít kay Jehova, p. 224-225

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 49

      Gumising!,

      Blg. 1 2021 p. 6

      3/2012, p. 10

      11/2008, p. 7

      2/8/2001, p. 19

      1/22/1994, p. 12

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      11/2017, p. 26-27

      6/2017, p. 17-18

      Ang Bantayan,

      10/1/2015, p. 15

      10/1/2013, p. 11

      7/15/2001, p. 22-23

      10/15/1999, p. 13-14

      12/1/1997, p. 18

      7/15/1995, p. 22

      9/1/1991, p. 22-23

      Manumbalik Ka kay Jehova, p. 8-9

      Aklat Para sa Lahat, p. 26

  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:13

      Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa: Dito, hinihimok ni Pablo ang mga Kristiyano sa Colosas na maging mapagpasensiya, o pagtiisan ang mga pagkakamali ng iba at ang mga ugali nila na nakakainis. Ang pandiwang Griego dito ay ginamit din sa 1Co 4:12, kung saan isinalin itong “nagtitiis.” Dahil di-perpekto at nagkakamali ang lahat ng Kristiyano (San 3:2), kailangan talagang maging makatuwiran sa mga inaasahan natin sa iba (Fil 4:5).

      kahit pa may dahilan kayo para magreklamo laban sa inyong kapuwa: Alam ni Pablo na kung minsan, may dahilan talaga ang ilang taga-Colosas para “magreklamo laban” sa mga kapananampalataya nila. May mga pagkakataon na hindi nakakapagpakita ng Kristiyanong katangian ang isa o nakakasakit siya ng damdamin ng iba, sinasadya man ito o hindi. Kahit sa ganitong mga sitwasyon, pinagsisikapan pa rin ng mga Kristiyano na tularan si Jehova at lubusang magpatawad.—Mat 5:23, 24; 18:21-35; Efe 4:32; 1Pe 4:8.

      Kung paanong lubusan kayong pinatawad ni Jehova: Madalas banggitin sa Bibliya na pinapatawad ng Diyos na Jehova ang kasalanan ng mga tao. (Bil 14:19, 20; 2Sa 12:13; Aw 130:4; Dan 9:9) Inilarawan pa nga siya na “handang magpatawad” (Ne 9:17; Aw 86:5) at ‘nagpapatawad nang lubusan’ (Isa 55:7). Ang pandiwang Griego na ginamit dito ni Pablo para sa ‘lubusang pinatawad’ ay hindi ang karaniwang salita para sa “magpatawad,” gaya ng makikita sa Mat 6:12, 14 o Ro 4:7 (tingnan ang study note). Sa halip, ginamit dito ang pandiwang kaugnay ng salitang Griego na khaʹris, na madalas na isinasaling “walang-kapantay na kabaitan” o “pabor.” Kapag iniuugnay sa pagpapatawad, ang pandiwang ito ay tumutukoy sa pagpapatawad nang lubusan, o bukal sa loob, gaya ng kapag nagreregalo sa iba. Ginamit din ni Pablo ang terminong ito sa Col 2:13 nang sabihin niyang “buong puso niyang [Diyos] pinatawad ang lahat ng kasalanan natin.”—Efe 4:32; para sa paliwanag kung bakit ginamit dito ang pangalan ng Diyos, tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Col 3:13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share