Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Colosas 4:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Si Tiquico,+ isang minamahal na kapatid at kapuwa alipin at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magdadala sa inyo ng balita tungkol sa akin.

  • Colosas 4:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ang lahat ng aking mga gawain ay ipagbibigay-alam sa inyo ni Tiquico,+ ang aking minamahal na kapatid at tapat na ministro at kapuwa alipin sa Panginoon.

  • Colosas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:7

      Ang Bantayan,

      7/15/1998, p. 8

  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:7

      Tiquico: Isang ministrong Kristiyano mula sa lalawigan ng Asia na naging malaking tulong kay Pablo. (Gaw 20:2-4) Ipinagkatiwala ni Pablo kay Tiquico ang pagdadala ng liham sa mga taga-Colosas, kay Filemon na miyembro ng kongregasyon sa Colosas, at sa mga taga-Efeso. Pero hindi lang iyan ang atas ni Tiquico. Siya rin ang ‘nagdala ng balita’ tungkol kay Pablo. Malamang na kasama dito ang mga detalye tungkol sa pagkakabilanggo ni Pablo, sa kalagayan niya, at sa mga pangangailangan niya. Sigurado si Pablo na kapag ang “minamahal na kapatid . . . at tapat na lingkod” na ito ang nagdala ng balita tungkol sa kaniya, maaaliw ang mga kapatid at lalo nilang mapapahalagahan ang mahahalagang aral mula sa Diyos na itinuro niya. (Col 4:8, 9; tingnan din ang Efe 6:21, 22.) Pagkalaya ni Pablo sa pagkakabilanggo, inisip niyang isugo si Tiquico sa Creta. (Tit 3:12) At nang mabilanggo si Pablo sa Roma sa ikalawang pagkakataon, ipinadala niya si Tiquico sa Efeso.—2Ti 4:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share