Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Colosas 4:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kasama niya si Onesimo,+ ang tapat at minamahal kong kapatid na galing sa inyo. Sasabihin nila sa inyo ang lahat ng nangyayari dito.

  • Colosas 4:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 kasama ni Onesimo,+ ang aking tapat at minamahal na kapatid, na mula sa inyo. Ang lahat ng bagay dito ay ipaaalam nila sa inyo.

  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:9

      Onesimo: Siya rin ang Onesimo na tinukoy ni Pablo sa liham nito kay Filemon. Tumakas ang aliping si Onesimo sa amo niyang si Filemon, isang Kristiyano sa Colosas. Posibleng ninakawan din niya si Filemon bago tumakas papuntang Roma. (Flm 18) Naging Kristiyano siya sa Roma at itinuring ni apostol Pablo na parang anak. (Flm 10) Hinimok siya ni Pablo na bumalik sa amo niya sa Colosas. Sumama siya kay Tiquico, na nagdala ng mga liham ni Pablo para sa mga taga-Efeso at mga taga-Colosas. (Efe 6:21, 22; Col 4:7, 8) Posibleng si Onesimo ang nagdala ng sulat kay Filemon. Sumama si Onesimo kay Tiquico sa mahabang paglalakbay na ito papuntang Colosas posibleng para maprotektahan siya mula sa mga Romanong awtoridad, na nanghuhuli ng mga tumakas na alipin. Hiniling ni Pablo sa kongregasyon na mainit na tanggapin si Onesimo, na isang “tapat at minamahal [na] kapatid.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share