Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Colosas 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Binabati kayo ni Aristarco+ na kapuwa ko bihag, pati ng pinsan ni Bernabe na si Marcos+ (ang tinutukoy namin na malugod ninyong tanggapin+ kung sakaling pumunta siya sa inyo),

  • Colosas 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Si Aristarco+ na aking kapuwa bihag ay nagpapadala sa inyo ng kaniyang mga pagbati, at gayundin si Marcos+ na pinsan ni Bernabe, (na may kinalaman sa kaniya ay tumanggap kayo ng mga utos na tanggapin+ siya kung sakaling paririyan siya sa inyo,)

  • Colosas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:10

      Lubusang Magpatotoo, p. 118

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 922

      Ang Bantayan,

      3/15/2010, p. 8

      12/15/2000, p. 17

      9/15/1997, p. 31

      10/15/1989, p. 12

  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:10

      pinsan ni Bernabe: Dito, binanggit ni Pablo na si Marcos ay “pinsan ni Bernabe,” na isang posibleng dahilan kung bakit naging matindi ang di-pagkakasundo nina Pablo at Bernabe na nakaulat sa Gaw 15:37-39. (Tingnan ang study note sa Marcos sa talatang ito.) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito lang lumitaw ang salitang “pinsan” (a·ne·psi·osʹ). Pangunahin na itong tumutukoy sa “pinsang buo,” pero puwede rin itong tumukoy sa iba pang pinsan.

      Marcos: Tinawag ding Juan sa Gaw 12:12, 25; 13:5, 13. (Tingnan ang study note sa Mar Pamagat; Gaw 12:12.) Hindi nagkasundo sina Pablo at Bernabe kung isasama nila si Marcos sa ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero (mga 49-52 C.E.). Nauwi ito sa “mainitang pagtatalo,” at naghiwalay sila ng landas. (Gaw 15:37-39) Pero sa 1Co 9:6, makikita sa sinabi ni Pablo na nagkaayos na sila ni Bernabe noong isinusulat ni Pablo ang liham niya sa mga taga-Colosas. Kasama ni Pablo si Marcos sa Roma noong una siyang mabilanggo, kaya ipinapakita nito na nagbago na ang tingin niya rito. Sinabi pa nga ni Pablo na “talagang napalalakas” siya ni Marcos. (Tingnan ang study note sa Col 4:11.) Posibleng isinulat ni Marcos ang Ebanghelyo na nakapangalan sa kaniya noong mga panahong dinalaw niya si Pablo sa Roma.—Tingnan din ang “Introduksiyon sa Marcos.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share