Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Colosas 4:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 at ni Jesus na tinatawag na Justo, na mga kabilang sa mga tuli. Sila lang ang mga kamanggagawa ko para sa Kaharian ng Diyos, at talagang napalalakas* nila ako.

  • Colosas 4:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 at si Jesus na tinatawag na Justo, na ang mga ito ay kabilang sa mga tuli. Ang mga ito lamang ang aking mga kamanggagawa para sa kaharian ng Diyos, at ang mga ito ang siyang naging tulong na nagpapalakas sa akin.

  • Colosas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:11

      Ang Bantayan,

      9/15/2004, p. 13

      5/1/2004, p. 18-21

      12/15/2000, p. 17-19

      12/15/1999, p. 27

      9/15/1997, p. 31

  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:11

      mga tuli: Mga tuling Judiong Kristiyano. Tinulungan si Pablo ng mga kapatid na ito na binanggit niya sa pangalan. (Tingnan ang study note sa talagang napalalakas sa talatang ito.) Malamang na hindi sila nagdalawang-isip na makihalubilo sa mga di-Judiong Kristiyano, at siguradong masayang-masaya silang nangaral kasama ni Pablo sa mga di-Judio.—Ro 11:13; Gal 1:16; 2:11-14.

      talagang napalalakas: O “napapatibay.” Sa naunang mga talata, binanggit ni Pablo ang mga kapatid na tumulong sa kaniya noong nakabilanggo siya sa Roma. (Col 4:7-11) Sinabi niyang “talagang napalalakas nila” siya. Madalas gamitin sa sinaunang mga literatura at inskripsiyon ang salitang Griego na ginamit dito, pero dito lang ito lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ayon sa isang reperensiya, ang salitang ito at ang mga anyo nito ay partikular nang ginagamit sa medisina, na tumutukoy sa ginhawang nararamdaman kapag nawawala ang sintomas ng sakit. Sinabi pa nito: “Ang salitang ito ay pangunahin nang tumutukoy sa pagbibigay ng lakas at kaaliwan, posibleng dahil sa nabanggit na paliwanag tungkol sa salitang ito.” Kaya lumilitaw na sa sitwasyon ni Pablo, pinatibay siya at pinalakas ng mga kapatid na binanggit niya, hindi lang sa salita kundi pati sa pagbibigay ng praktikal na tulong.—Kaw 17:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share