Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Tesalonica 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Hindi rin namin hinangad na maparangalan ng tao, kayo man o ng iba, kahit puwede naming sabihin sa inyo na gastusan ninyo kami dahil mga apostol kami ni Kristo.+

  • 1 Tesalonica 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Ni naghahanap man kami ng kaluwalhatian mula sa mga tao,+ hindi, mula sa inyo man o mula sa iba, bagaman maaari sana kaming maging magastos na pasanin+ bilang mga apostol ni Kristo.

  • Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:6

      hinangad na maparangalan ng tao: Dahil isang mapagpakumbabang ministro si Pablo na nagsisikap tularan si Kristo, malamang na nasa isip niya ang sinabing ito ni Jesus: “Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatian mula sa tao.” (Ju 5:41; 7:18; 1Co 11:1) Hindi naman sinasabi ni Pablo na maling igalang, o bigyang-dangal, ang mga nasa kongregasyon. (Ihambing ang Ro 12:10; 1Ti 5:17.) Hindi lang hinangad ni Pablo na tumanggap ng karangalan, espesyal na atensiyon, labis na paghanga, at papuri mula sa mga tao.

      kahit puwede naming sabihin sa inyo na gastusan ninyo kami: Hindi humingi si Pablo ng kahit kaunting materyal na tulong sa mga Kristiyano sa Tesalonica para sana mas makapagpokus siya sa ministeryo niya. Ganiyan din ang ginawa niya noong nasa Corinto siya kahit na may makakasulatang basehan naman siya para humingi ng tulong, gaya ng binanggit niya. (1Co 9:11-15, 18) Ayon sa 1Te 2:9, “gabi’t araw” na nagtrabaho si Pablo sa Tesalonica; posibleng gumawa din siya ng tolda doon gaya ng ginawa niya sa Corinto. (Tingnan ang study note sa Gaw 18:3.) Bukod sa ayaw niyang maging pabigat sa kanila, gusto niya ring magpakita ng magandang halimbawa sa mga Kristiyano sa Tesalonica.—2Te 3:7-12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share