Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Tesalonica 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Kaya naman walang tigil naming pinasasalamatan ang Diyos,+ dahil nang marinig ninyo mula sa amin ang salita ng Diyos, tinanggap ninyo ito, hindi bilang salita ng tao, kundi gaya ng kung ano talaga ito, bilang salita ng Diyos, na umiimpluwensiya sa inyo na mga mananampalataya.

  • 1 Tesalonica 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Sa katunayan nga, iyan ang dahilan kung bakit din namin pinasasalamatan ang Diyos nang walang lubay,+ sapagkat nang tanggapin ninyo ang salita ng Diyos,+ na inyong narinig mula sa amin, tinanggap ninyo ito, hindi bilang salita ng mga tao,+ kundi, gaya ng kung ano nga ito sa totoo, bilang ang salita ng Diyos, na siyang gumagana rin sa inyo na mga mananampalataya.+

  • 1 Tesalonica
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:13

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 5

  • Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:13

      marinig ninyo mula sa amin ang salita ng Diyos: Nakarating sa mga Kristiyano sa Tesalonica ang salita, o mensahe, ng Diyos dahil sa pangangaral nina Pablo at Silas (Gaw 17:1-4), pero alam nila na hindi lang ito mensahe ng tao. Galing ito sa Diyos na Jehova, at nakabase ito sa Hebreong Kasulatan. Pero mula noong panahon ni Jesus, sinaklaw na rin ng terminong “salita ng Diyos” ang mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus. (Efe 1:12, 13; Col 4:3) Nang buoin ang Kristiyanong Griegong Kasulatan, malamang na ang unang naging bahagi ng Salita ng Diyos sa lahat ng mga isinulat ni Pablo ay ang unang liham niya sa mga taga-Tesalonica. Nang maglaon, sinabi rin ni apostol Pedro na ang mga isinulat ni Pablo ay bahagi ng “buong Kasulatan.”—2Pe 3:15, 16; tingnan sa Glosari, “Kanon (kanon ng Bibliya).”

      na umiimpluwensiya sa inyo na mga mananampalataya: Ang isang anyo ng salitang Griego na e·ner·geʹo, na isinalin ditong “umiimpluwensiya,” ay puwede ring isaling “nagpapasigla.” (Tingnan ang study note sa Fil 2:13.) Dahil hindi lang “salita ng tao” ang mensaheng ipinangangaral ni Pablo at ng mga kamanggagawa niya kundi “salita ng Diyos,” napakalaki ng impluwensiya nito sa taimtim na mga mánanampalatayá. (Sa Heb 4:12, isinaling “malakas” ang kaugnay nitong pandiwang Griego.) Sa buong ministeryo ni Pablo, marami siyang nakitang gumawa ng napakalaking pagbabago sa buhay nila dahil sa kapangyarihan ng salita ng Diyos. (1Co 6:9-11; Efe 2:3; Tit 3:3) Si Pablo mismo ay isang matibay na patunay na kayang baguhin ng “salita ng Diyos” ang buhay at ugali ng isang tao.—Gal 1:13, 22, 23; 1Ti 1:12-14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share