Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Tesalonica 2:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 na pumatay pa nga sa Panginoong Jesus+ at sa mga propeta at umusig sa amin.+ Bukod diyan, ang ginagawa nila ay hindi nakalulugod sa Diyos at hindi nakakabuti sa sinuman;

  • 1 Tesalonica 2:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 na siyang pumatay maging sa Panginoong Jesus+ at sa mga propeta+ at umusig sa amin.+ Karagdagan pa, hindi sila nagpapalugod sa Diyos, kundi laban sila sa mga kapakanan ng lahat ng tao,

  • Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:15

      hindi nakalulugod sa Diyos: Tumutukoy ito sa mga taong humahadlang sa iba na makipagkasundo sa Diyos at magkaroon ng pag-asa na maligtas at mabuhay nang walang hanggan. (1Te 2:16) Gaya ni Pablo noong pinag-uusig niya ang mga Kristiyano, posibleng iniisip ng mga mang-uusig na ito na ang ginagawa nila ay sagradong paglilingkod sa Diyos. (Ju 16:2; Gal 1:13; 1Ti 1:13) Pero ang totoo, hindi talaga nila kilala si Jehova o ang Anak niya.—Ju 16:3.

      hindi nakakabuti sa sinuman: Masasabing hindi nakakabuti sa lahat ng tao ang ginagawa ng mga umuusig sa tunay na mga Kristiyano dahil ang pangangaral, na pinasimulan ni Jesus, ay paraan ni Jehova para maipagkasundo sa Kaniya ang makasalanang mga tao.—Tingnan ang study note sa 2Co 5:18, 19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share