-
1 Tesalonica 2:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Dahil diyan, gusto naming dumalaw sa inyo. Kaya dalawang beses kong pinagsikapang gawin ito, akong si Pablo, pero hinarangan kami ni Satanas.
-
-
1 Tesalonica 2:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Sa dahilang ito ay ninais naming pumariyan sa inyo, oo, akong si Pablo, kapuwa minsan at sa ikalawang pagkakataon, ngunit humarang si Satanas sa aming landas.
-
-
Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hinarangan kami ni Satanas: Ang ekspresyong Griego na isinaling “hinarangan kami” ay puwede ring isaling “hinarangan ang daan namin” o “pinigilan kami.” Ito rin ang pandiwang Griegong ginamit ni Pablo sa Ro 15:22. Kung minsan, ginagamit ang pandiwang ito para tumukoy sa pagsira sa isang kalsada para hindi ito madaanan o sa pagsugod sa teritoryo ng kaaway na ginagawa ng mga sundalo. Posibleng nasa isip dito ni Pablo ang ilan sa mga isinagawang pakana ng mga mang-uusig sa Tesalonica para hindi siya makabalik doon. Anuman ang nakahadlang kay Pablo, pinatnubayan siya ng espiritu na sabihing galing iyon kay Satanas, dahil siya ang “diyos ng sistemang ito.”—Tingnan ang study note sa Ju 12:31; 2Co 4:4.
-