-
Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
na maging banal kayo: Ang ekspresyong Griego na ginamit dito ay puwede ring isaling “ang pagpapabanal sa inyo.” Dalawang beses pang ginamit ni Pablo sa kontekstong ito ang salitang Griego na ha·gi·a·smosʹ, sa 1Te 4:4 at 4:7, kung saan isinalin itong “banal.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang mga salitang isinasaling “banal” at “kabanalan” ay nagpapakita ng pagiging nakabukod para sa paglilingkod sa Diyos. Nangangahulugan din ang mga terminong ito ng pagiging malinis sa moral. (Mar 6:20; 2Co 7:1; 1Pe 1:15, 16) Sa kontekstong ito, tumutukoy ang pagiging banal sa pag-iwas sa seksuwal na imoralidad, o sa lahat ng seksuwal na gawaing ipinagbabawal sa Bibliya.—Tingnan sa Glosari, “Banal; Kabanalan.”
seksuwal na imoralidad: Tingnan ang study note sa Gaw 15:20.
-