Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Tesalonica 5:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Pero hinihimok din namin kayo, mga kapatid, na babalaan* ang mga masuwayin,*+ patibayin ang* mga pinanghihinaan ng loob,* alalayan ang mahihina, at maging mapagpasensiya sa lahat.+

  • 1 Tesalonica 5:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sa kabilang dako naman, pinapayuhan namin kayo, mga kapatid, na paalalahanan ang magugulo,+ magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo,+ alalayan ang mahihina, magkaroon ng mahabang pagtitiis+ sa lahat.

  • 1 Tesalonica
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:14

      Ang Bantayan (Pampubliko),

      Blg. 1 2023 p. 14-15

      Malapít kay Jehova, p. 123-124, 199-200

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      10/2017, p. 10

      Ang Bantayan,

      2/15/2015, p. 9

      8/15/2013, p. 22

      6/15/2010, p. 13

      5/1/2004, p. 21

      11/1/2001, p. 17-18

      10/1/1995, p. 15-16

      3/15/1990, p. 26-28

      Gumising!,

      10/2013, p. 14

      7/2009, p. 7-9

      Kaligayahan sa Pamilya, p. 37

  • Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:14

      babalaan: O “payuhan.”—Tingnan ang study note sa 1Te 5:12.

      mga masuwayin: O “magugulo.” Ang salitang Griego para sa “masuwayin” ay kadalasan nang ginagamit para sa sundalong matigas ang ulo o umaalis sa itinakdang puwesto niya. Ginamit ng unang-siglong istoryador na si Josephus ang terminong ito para ilarawan ang isang hukbo na “sumusugod nang wala sa ayos.” Sa di-pormal na gamit ng salitang ito, puwede itong tumukoy sa isang taong tamad at walang ginagawa, pero mas madalas na tumutukoy ito sa mga gumagawa ng mga bagay na di-katanggap-tanggap sa lipunan. Ginamit ito ni Pablo para lumarawan sa mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano na magugulo, di-makontrol, at lantarang sumusuway sa mga pamantayang Kristiyano.—1Te 4:11; 2Te 3:6.

      patibayin ang: O “magsalita nang may pang-aaliw sa.” Ang pandiwang Griego na isinaling “patibayin” (pa·ra·my·theʹo·mai) ay ginamit din sa Ju 11:19, 31 para tumukoy sa mga Judiong nakiramay kina Maria at Marta noong mamatay ang kapatid nilang si Lazaro. Tumutukoy ito sa masidhing pagnanais na magpatibay at mang-aliw.—Tingnan ang study note sa 1Co 14:3, kung saan isinaling “umaaliw” ang kaugnay nitong pangngalan.

      mga pinanghihinaan ng loob: O “mga nanlulumo.” Ang salitang Griego na ginamit dito ay o·li·goʹpsy·khos. Ginagamit naman ng sinaunang mga Griegong manunulat ang kasalungat nitong termino na nangangahulugang “may kumpiyansa sa sarili” o “kontento sa buhay.” Kaya lumilitaw na ang terminong ginamit ni Pablo dito ay tumutukoy sa isang tao na mababa ang tingin sa sarili. Ito rin ang terminong Griego na ginamit sa Septuagint para ipanumbas sa mga ekspresyong Hebreo na isinaling “nababahala” at “namimighati.” (Isa 35:4; 54:6) May ilang Kristiyano sa Tesalonica na posibleng pinanghihinaan ng loob dahil sa pag-uusig o pagkamatay ng mga kapananampalataya nila. (1Te 2:14; 4:13-18) Hindi sinabi ni Pablo na pagsabihan o babalaan ng mga Kristiyano ang mga pinanghihinaan ng loob. Sa halip, dapat nilang patibayin o aliwin ang mga ito.—Tingnan ang study note sa patibayin ang sa talatang ito.

      maging mapagpasensiya sa lahat: Ang mga salitang Griego na isinasaling “pagpapasensiya” o “pagtitiis” ay nagpapahiwatig ng pagiging kalmado habang nagtitiis at pagiging hindi magagalitin, mga katangiang ipinapakita ni Jehova at ni Jesus sa mga tao. (Ro 2:4; 9:22; 1Ti 1:16; 1Pe 3:20; 2Pe 3:9, 15; tingnan ang study note sa Gal 5:22.) Para matularan ng mga Kristiyano si Jehova at si Jesus, kailangan nilang maging mapagpasensiya. (1Co 11:1; Efe 5:1) Ang pandiwang Griego para sa “maging mapagpasensiya” ay dalawang beses na ginamit sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa dalawang alipin, na parehong nagmakaawa at humingi ng “pasensiya.” (Mat 18:26, 29) Hindi naging mapagpasensiya at maawain ang ‘napakasamang alipin,’ at ayaw niyang magpatawad. Kabaligtaran siya ng hari sa ilustrasyon, na lumalarawan sa Ama ni Jesus sa langit. (Mat 18:30-35) Ipinapakita ng ilustrasyon ni Jesus at ng pagkakagamit sa pandiwa ring ito sa 2Pe 3:9 na kasama sa pagiging mapagpasensiya sa iba ang pagiging mapagpatawad at maawain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share