Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Tesalonica 1:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 sa isang nagliliyab na apoy. Sa panahong iyon, maghihiganti siya sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at sa mga hindi sumusunod sa mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus.+

  • 2 Tesalonica 1:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 sa isang nagliliyab na apoy, samantalang nagpapasapit siya ng paghihiganti+ doon sa mga hindi nakakakilala sa Diyos+ at doon sa mga hindi sumusunod+ sa mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus.+

  • 2 Tesalonica
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:8

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 33

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      9/2019, p. 12-13

      Kaunawaan, p. 165, 702

      Ang Bantayan,

      11/15/2004, p. 19

      5/1/1993, p. 22

      5/1/1989, p. 19

      1/1/1989, p. 20

  • Mga Study Note sa 2 Tesalonica—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:8

      sa isang nagliliyab na apoy: Sa Kasulatan, madalas gamitin ang “apoy” sa makasagisag na diwa, gaya sa talatang ito. Noong panahon ng Bibliya, ang paggamit ng apoy ang pinakaepektibong paraan ng pagwasak at paglipol. (Deu 13:16; Jos 6:24) May pagkakataong ginamit ni Jesus ang terminong “apoy” para ilarawan ang lubusang pagpuksa sa masasama.—Mat 13:40-42, 49, 50; ihambing ang Isa 66:15, 24; Mat 25:41.

      maghihiganti: Tumutukoy sa paghihiganti at paghatol ng Diyos. Sinabi ni Pablo na “matuwid para sa Diyos na gantihan ng kapighatian ang mga pumipighati” sa mga Kristiyano. (2Te 1:6) Ang salitang Griego na isinalin ditong “maghihiganti” (ek·diʹke·sis) ay literal na nangangahulugang “mula sa katarungan”; ipinapahiwatig nito na makakamit ang katarungan kapag nakapaghiganti na ang Diyos. Isinasalin din itong “katarungan” o “paglalapat ng katarungan.” (Luc 18:7, 8; 21:22 at study note) Ipinapakita sa Bibliya na ang “paghihiganti” lang ng Diyos ang makakapagbigay ng tunay na katarungan. (Deu 32:35, 43; Aw 94:1; Ro 12:19; Heb 10:30) Ang Panginoong Jesu-Kristo ang pangunahing inatasan ng Diyos para isagawa ang paghihiganting tinutukoy dito ni Pablo.

      mga hindi nakakakilala sa Diyos: Tinutukoy dito ni Pablo ang mga talagang ayaw makipagkaibigan kay Jehova. Pero ang mga “nakakakilala sa Diyos” ay hindi lang basta naniniwalang umiiral siya; malalim ang pagkakakilala nila sa kaniya. Sinisikap nilang maging malapít na kaibigan niya; alam nila ang mga gusto at ayaw niya. Mahal nila siya at namumuhay sila ayon sa mga pamantayan niya. (1Ju 2:3, 4; 4:8) Isang napakalaking karangalan sa kanila na ‘makilala’ din ng Diyos (1Co 8:3), o tumanggap ng pagsang-ayon niya.—Tingnan ang study note sa Ju 17:3; Gal 4:9.

      mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus: Kasama dito ang lahat ng itinuro ni Jesus na makikita sa Salita ng Diyos. Magiging basehan sa paghatol sa lahat ng tao ang mabuting balitang ito. Maliligtas ang mga tumatanggap at sumusunod sa mabuting balita; mapupuksa naman ang mga “hindi sumusunod” dito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share