Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Tesalonica 3:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 at para mailigtas kami mula sa napakasamang mga tao,+ dahil hindi lahat ng tao ay may pananampalataya.+

  • 2 Tesalonica 3:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 at upang kami ay mailigtas mula sa mga taong mapaminsala at balakyot,+ sapagkat ang pananampalataya ay hindi taglay ng lahat ng tao.+

  • 2 Tesalonica
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:2

      Ang Bantayan,

      5/1/2009, p. 8

      5/15/1998, p. 10

  • Mga Study Note sa 2 Tesalonica—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:2

      hindi lahat ng tao ay may pananampalataya: Tinutukoy dito ni Pablo ang “napakasamang mga tao” na umuusig sa kaniya at sa mga kapananampalataya niya. (2Te 3:2, 3) Pero hindi lang sa mga taong iyon tumutukoy ang sinabi ni Pablo. Totoo rin ito sa ibang tao, gaya ng ilang nakasalamuha niya. Kung minsan, kahit iisang bagay ang nakita nila, may mga mananampalataya at may hindi. (Gaw 14:1-4; 17:32-34; Heb 11:3) Hindi naman sinasabi ni Pablo na may mga taong hindi talaga kayang magkaroon ng pananampalataya. Pero kailangan ng banal na espiritu ng Diyos para magkaroon ng tunay na pananampalataya, dahil bunga ito ng espiritu. (Gal 5:22 at study note) Kaya naman sa mga liham niya, pinasigla niya ang mga kapuwa niya Kristiyano na magpaakay sa espiritu ng Diyos. (Gal 5:16, 25; 1Te 5:19) Sa gayon, makikita nila ang malinaw na katibayan ng mga bagay na di-nakikita, na magiging pundasyon ng pananampalataya nila. (Heb 11:1) Para magabayan ng banal na espiritu ang mga Kristiyano, kailangan nilang humingi nito sa Diyos (Luc 11:9-13; 17:5) at pag-aralan ang kaniyang Salita na isinulat sa pamamagitan ng espiritu (2Ti 3:16, 17). Ang mga ayaw magpatulong sa banal na espiritu ay hindi magkakaroon ng pananampalataya, kahit pa napakarami nilang puwedeng maging basehan nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share