Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Tesalonica 3:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Tinatagubilinan namin kayo ngayon, mga kapatid, sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na layuan ang sinumang kapatid na lumalakad nang wala sa ayos+ at hindi sumusunod sa mga bagay na itinuro namin sa inyo.*+

  • 2 Tesalonica 3:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Ngayon ay binibigyan namin kayo ng mga utos,+ mga kapatid, sa pangalan ng Panginoong Jesu-Kristo, na lumayo+ sa bawat kapatid na lumalakad nang walang kaayusan+ at hindi ayon sa tradisyon na inyong tinanggap mula sa amin.+

  • 2 Tesalonica
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:6

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1340-1341

  • Mga Study Note sa 2 Tesalonica—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:6

      Tinatagubilinan namin kayo ngayon: Ito ang introduksiyon ni Pablo nang banggitin niya ang isang problema na kailangang ayusin sa kongregasyon ng Tesalonica. Makikita sa konteksto na may ilan sa kanila na hindi nagtatrabaho at nakikialam pa sa mga bagay na walang kinalaman sa kanila. (Tingnan ang mga study note sa 2Te 3:11.) Kaya deretsahan silang pinayuhan ni Pablo na “mamuhay nang tahimik at kumain ng pagkain na pinagtrabahuhan nila.”—2Te 3:12.

      layuan: Pinayuhan ni Pablo ang mga miyembro ng kongregasyon na “layuan” ang sinumang “lumalakad nang wala sa ayos,” o iwasang makisama sa kanila.—Tingnan ang mga study note sa 2Te 3:14.

      lumalakad nang wala sa ayos: Ayon sa isang reperensiya, ang ekspresyong ito ay nangangahulugang “pagiging iresponsable . . . o paggawa ng mga bagay na di-katanggap-tanggap sa lipunan o salungat sa iniutos.”—Tingnan ang study note sa 1Te 5:14.

      mga bagay na itinuro: Gaya sa 2Te 2:15, ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang mga tradisyong katanggap-tanggap sa tunay na pagsamba.—Tingnan ang study note sa 1Co 11:2.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share