Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Akong si Pablo, isang apostol ni Kristo Jesus ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Kristo Jesus, na ating pag-asa,+

  • 1 Timoteo 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Si Pablo, isang apostol+ ni Kristo Jesus sa ilalim ng utos ng Diyos+ na ating Tagapagligtas+ at ni Kristo Jesus, na ating pag-asa,+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:1

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 564

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:1

      Diyos na ating Tagapagligtas: Sa unang liham ni Pablo kay Timoteo at sa liham niya kay Tito, anim na beses niyang ginamit ang terminong “Tagapagligtas” para tumukoy sa Diyos na Jehova (dito at sa 1Ti 2:3; 4:10; Tit 1:3; 2:10; 3:4), pero dalawang beses lang itong ginamit sa natitira pang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (Luc 1:47; Jud 25). Sa Hebreong Kasulatan, madalas ilarawan si Jehova bilang Tagapagligtas ng bayan niyang Israel. (Aw 106:8, 10, 21; Isa 43:3, 11; 45:15, 21; Jer 14:8) Dahil si Jesus ang ginamit ni Jehova para iligtas ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan, tinatawag din siyang “Tagapagligtas.” (Gaw 5:31; 2Ti 1:10) Tinatawag din siyang “Punong Kinatawan para sa kaligtasan.” (Heb 2:10) Ang pangalang Jesus, na ibinigay sa Anak ng Diyos batay sa tagubilin ng isang anghel, ay nangangahulugang “Si Jehova ay Kaligtasan,” dahil sabi ng anghel, “ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.” (Mat 1:21 at study note) Idiniriin ng mismong pangalan ni Jesus na nagliligtas si Jehova sa pamamagitan ni Jesus. Kaya parehong tinatawag na Tagapagligtas ang Ama at ang Anak. (Tit 2:11-13; 3:4-6) Ang mga terminong Hebreo at Griego (sa Septuagint) para sa “tagapagligtas” ay puwede ring tumukoy sa mga taong ginagamit ng Diyos bilang “mga tagapagligtas para palayain” ang bayan niya mula sa mga kaaway nila.—Ne 9:27; Huk 3:9, 15.

      Kristo Jesus, na ating pag-asa: Sinabi ni Pablo na si Jehova ang ‘Diyos na nagbibigay ng pag-asa’ (Ro 15:13), pero dito, ipinaalala niya kay Timoteo na sa pamamagitan ni Kristo Jesus nagbibigay si Jehova sa mga Kristiyano ng mapanghahawakang pag-asa. Si Jesus ang tumutupad sa lahat ng pangako ni Jehova, at sa pamamagitan niya, naging posible sa mga tao na magkaroon ng buhay na walang hanggan.—Tingnan ang 2Co 1:20 at mga study note; 1Pe 1:3, 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share