Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 o magbigay-pansin sa mga kuwentong di-totoo+ at sa mga talaangkanan. Walang pakinabang ang gayong mga bagay+ at nagbabangon pa nga ng mga pag-aalinlangan. Hindi kasama ang mga iyon sa mga paglalaan ng Diyos para mapatibay ang ating pananampalataya.

  • 1 Timoteo 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 ni magbigay-pansin man sa mga kuwentong di-totoo+ at sa mga talaangkanan, na nauuwi sa wala,+ kundi nagbabangon ng mga tanong ukol sa pagsasaliksik sa halip na magkaloob ng anumang bagay mula sa Diyos may kaugnayan sa pananampalataya.

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:4

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 518, 1259

      Ang Bantayan,

      7/15/2011, p. 17-18

      4/1/1994, p. 30

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:4

      mga kuwentong di-totoo: Sa 2Ti 4:4, parehong binanggit ni Pablo ang “mga kuwentong di-totoo” at ang “katotohanan.” Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang Griego na myʹthos, na isinalin ditong “mga kuwentong di-totoo,” ay nangangahulugang “alamat, pabula . . . kathang-isip.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, laging negatibo ang pagkakagamit sa salitang ito. Posibleng nasa isip ni Pablo ang nakakaaliw na mga alamat na base sa mga kasinungalingan sa relihiyon at sabi-sabi. (Tit 1:14; 2Pe 1:16; tingnan ang study note sa 1Ti 4:7.) Sinabihan niya ang mga Kristiyano na huwag magbigay-pansin, o maging interesado, sa di-totoong mga kuwento. Walang makukuhang pakinabang sa mga ito, at maililihis pa nito ang isip ng mga Kristiyano mula sa katotohanang nasa Salita ng Diyos.—2Ti 1:13.

      mga talaangkanan: Posibleng tinutukoy dito ni Pablo ang personal na talaangkanan ng isang tao, o ang angkan na pinagmulan niya. Sinabihan niya ang mga Kristiyano na hindi nila dapat ubusin ang panahon nila sa pag-aaral at pag-uusap tungkol sa ganitong mga bagay. Malamang na may gumagawa nito dahil ipinagmamalaki nila ang pinagmulan nilang angkan o ang kaalaman nila tungkol dito. Pero ang gayong mga bagay ay walang pakinabang, o hindi nakakatulong, para tumibay ang pananampalataya ng isang Kristiyano. Hindi na kailangang alamin ng mga Judiong Kristiyano ang pinagmulan nilang angkan dahil para sa Diyos, wala nang pagkakaiba ang mga Judio at di-Judio sa loob ng kongregasyong Kristiyano. (Gal 3:28) Ang mahalaga para sa mga Kristiyano ay ang matunton na nagmula sa linya ni David ang Kristo.—Mat 1:1-17; Luc 3:23-38.

      mga pag-aalinlangan: Tinukoy dito ni Pablo ang isang panganib kung magbibigay-pansin ang mga Kristiyano sa mga kuwentong di-totoo at sa mga talaangkanan. (Tingnan ang study note sa mga kuwentong di-totoo at mga talaangkanan sa talatang ito.) Ginamit niya ang salitang Griego na nangangahulugang “walang-kabuluhang espekulasyon,” ayon sa isang diksyunaryo. Ayon sa isa pang reperensiya, ang ganitong mga espekulasyon ay “mga tanong na walang sagot at hindi naman talaga kailangang sagutin.” Binanggit ni Pablo na hindi ito kasama sa “mga paglalaan ng Diyos para mapatibay ang ating pananampalataya.” Ang ganitong mga pag-aalinlangan ay ibang-iba sa taimtim na pagtatanong at pangangatuwiran na may matibay na basehan sa Kasulatan at nakakapagpatibay ng pananampalataya. (Gaw 19:8; 1Co 1:10) Walang kabuluhan kung pag-uusapan ang mga espekulasyon na ito, pati na ang kaduda-dudang sagot sa mga ito, dahil puwede nitong sirain ang pagkakaisa ng mga Kristiyano.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share