Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ibinigay ko ang tagubiling* ito para mahalin natin ang isa’t isa+ nang may malinis na puso at konsensiya* at may pananampalatayang+ walang pagkukunwari.

  • 1 Timoteo 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ang layunin talaga ng utos na ito ay pag-ibig+ mula sa isang malinis na puso+ at mula sa isang mabuting budhi+ at mula sa pananampalatayang walang pagpapaimbabaw.+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:5

      Ang Bantayan,

      9/15/2015, p. 8-9

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:5

      tagubiling: O “utos na.” Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang utos niya kay Timoteo na ‘sabihan ang ilan’ sa kongregasyon na “huwag magturo ng ibang doktrina o magbigay-pansin sa mga kuwentong di-totoo.” (1Ti 1:3, 4) Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang ginamit dito ay tumutukoy sa “isang bagay na kailangang gawin.” Maraming beses ginamit ni Pablo sa liham niya ang salitang ito at ang kaugnay nitong mga ekspresyon.—1Ti 1:18; 4:11; 5:7; 6:13, 17.

      para: Tingnan ang study note sa Ro 10:4.

      mahalin natin ang isa’t isa nang may malinis na puso: Sa talatang ito, iniugnay ni Pablo ang mapagsakripisyong pag-ibig ng isang Kristiyano sa “malinis na puso at konsensiya at . . . pananampalatayang walang pagkukunwari.” Kapag malinis ang puso, o pagkatao, ng isang Kristiyano, malinis siya sa moral at sa espirituwal. Malinis ang motibo niya at tapat siya kay Jehova. (Mat 5:8 at study note) Ang malinis na puso niya ang nag-uudyok sa kaniya na magpakita ng tunay na pag-ibig sa kapuwa.

      mahalin natin ang isa’t isa nang may malinis na . . . konsensiya: Nilalang ng Diyos ang tao na may konsensiya, ang kakayahang suriin ang sarili para malaman kung tama o mali ang naiisip, nadarama, o ginagawa niya. Dahil hindi perpekto ang tao, kailangan niyang sanayin ang konsensiya niya gamit ang Salita ng Diyos para makagawa siya ng mga desisyong ayon sa pamantayan ni Jehova. Kapag nasanay ang konsensiya ng isang Kristiyano ayon sa kalooban ng Diyos, hindi na siya dapat mabagabag sa mga nagawa niyang kasalanan dahil nagsisi na siya, tinalikuran na niya ang masamang gawain, at ginagawa na niya ang tama. (1Pe 3:16, 21; tingnan ang study note sa Ro 2:15.) Ipinapakita dito ni Pablo na nakakatulong sa isa ang malinis na konsensiya para makapagpakita siya ng mapagsakripisyong pag-ibig.

      mahalin natin ang isa’t isa nang . . . may pananampalatayang walang pagkukunwari: Alam na alam ni Pablo ang pagkukunwari ng mga Pariseo at ang masasamang epekto nito. (Gaw 26:4, 5; ihambing ang Mat 23:13.) Binabalaan niya si Timoteo na iwasang maging mapagkunwari. (1Ti 4:1, 2) Ang mga salitang Griego na ginamit para sa “pagkukunwari” at “mapagkunwari” ay unang ginamit para tumukoy sa mga umaarte sa entablado na nagsusuot ng maskara para makaganap ng iba’t ibang karakter sa isang dula. (Tingnan ang study note sa Mat 6:2.) Ang salitang Griego na isinalin ditong “walang pagkukunwari” ay nangangahulugang “hindi nagpapanggap.” Kaya ipinapakita dito ni Pablo na nakakatulong sa isang Kristiyano ang tunay na pananampalataya para makapagpakita siya ng mapagsakripisyong pag-ibig.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share