-
1 Timoteo 1:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Alam natin na mabuti ang Kautusan kung sinusunod ito nang tama
-
-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mabuti ang Kautusan kung sinusunod ito nang tama: Noong panahon ni Pablo, itinuturo ng ilan na dapat sundin ng mga Kristiyano ang lahat ng nasa Kautusang Mosaiko, na para bang nakadepende dito ang kaligtasan nila. Alam ni Pablo na mali ang itinuturo ng mga gurong ito. Wala sa ilalim ng Kautusang Mosaiko ang mga Kristiyano; nakadepende rin ang kaligtasan nila sa pananampalataya nila sa pantubos ni Kristo. (Gal 2:15, 16) Pero makikinabang pa rin ang mga Kristiyano sa Kautusang Mosaiko kung susundin nila “nang tama” ang mga prinsipyo nito. May matututuhan sila kung pag-aaralan nila ang Kautusan, dahil ito ay “anino ng mabubuting bagay na darating” may kinalaman kay Kristo Jesus. (Heb 10:1) Ipinakita rin ng Kautusan na kailangang tubusin ang tao sa pamamagitan ng buhay ni Jesu-Kristo. (Gal 3:19) Higit sa lahat, malalaman din mula rito ang kaisipan ni Jehova.—Exo 22:21; Lev 19:15, 18; Ro 7:12.
-