-
1 Timoteo 1:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 sa pagkaalam ng bagay na ito, na ang kautusan ay pinagtitibay, hindi para sa taong matuwid, kundi para sa mga taong tampalasan+ at mga di-masupil,+ mga di-makadiyos at mga makasalanan, mga walang maibiging-kabaitan,+ at mga lapastangan, mga mamamaslang ng mga ama at mga mamamaslang ng mga ina, mga mamamatay-tao,
-
-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ginawa ang kautusan, hindi para sa matuwid: Matuwid ang mga Kristiyano dahil sinusunod nila ang pamantayan ng Diyos ng tama at mali. May kapakumbabaan silang nagpapagabay sa espiritu ng Diyos. (Gal 5:16-23) Kaya hindi nila kailangan ng napakarami at detalyadong batas, gaya ng nasa Kautusang Mosaiko. Sinusunod ng mga Kristiyano ang “kautusan ng Kristo,” na nakakahigit sa ibang kautusan at nakabase sa pag-ibig.—Gal 6:2 at study note.
-