-
1 Timoteo 1:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Gayunpaman, ang dahilan kung bakit ako pinagpakitaan ng awa+ ay upang sa pamamagitan ko bilang pangunahing halimbawa ay maipakita ni Kristo Jesus ang lahat ng kaniyang mahabang pagtitiis bilang isang uliran niyaong mga maglalagak ng kanilang pananampalataya+ sa kaniya ukol sa buhay na walang hanggan.+
-
-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
magsilbi akong halimbawa: Binanggit ni Pablo kung paano siya nakinabang sa awa ni Kristo, pero dito, ipinakita naman niya kung paano makikinabang ang iba sa halimbawa niya. Kapag nalaman ng mga Kristiyano kung paano pinakitaan ng Diyos si Pablo ng awa, mapapatibay sila na posible rin silang mapatawad. Nang sabihin ni Pablo na siya ang “pinakamakasalanan sa lahat,” ipinakita niyang posibleng mapatawad ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo kahit ang pinakamalulubhang kasalanan ng isa, basta tunay ang pagsisisi niya.
-