Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Maparangalan nawa at maluwalhati magpakailanman ang Haring walang hanggan,+ na nabubuhay magpakailanman+ at di-nakikita,+ ang nag-iisang Diyos.+ Amen.

  • 1 Timoteo 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ngayon sa Haring walang hanggan,+ walang kasiraan,+ di-nakikita,+ ang tanging Diyos,+ ay maukol nawa ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan-kailanman.+ Amen.

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:17

      Malapít kay Jehova, p. 13

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:17

      Haring walang hanggan: Para lang sa Diyos na Jehova ang titulong ito. Tinatawag din siyang “Sinauna sa mga Araw.” (Dan 7:9, 13, 22) Umiiral na si Jehova bago pa man umiral ang sinuman o anuman sa uniberso, at wala ring katapusan ang pag-iral niya. (Aw 90:2) Kaya si Jehova lang ang puwedeng magtakda ng “walang-hanggang layunin,” at siya lang ang makakatupad nito. (Efe 3:11 at study note) Siya lang din ang makakapagbigay ng “buhay na walang hanggan.” (Ju 17:3; Tit 1:2) Lumitaw din ang titulong “Haring walang hanggan” sa Apo 15:3 sa “awit ni Moises na alipin ng Diyos at . . . awit ng Kordero.” Sa Exo 15:18, umawit si Moises at ang mga Israelita: “Si Jehova ay maghahari magpakailanman.”—Aw 10:16; 29:10; 146:10.

      Amen: Tingnan ang study note sa Ro 1:25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share