Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 1:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Kasama rito sina Himeneo+ at Alejandro, at ibinigay ko sila kay Satanas+ bilang disiplina para matuto silang huwag mamusong.

  • 1 Timoteo 1:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Sina Himeneo+ at Alejandro+ ay kabilang sa mga ito, at ibinigay ko sila kay Satanas+ upang sa pamamagitan ng disiplina ay maturuan sila na huwag mamusong.+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:20

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 600, 995, 1027-1028

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1110-1111

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:20

      Kasama rito sina Himeneo at Alejandro: “Nawasak ang pananampalataya” ng mga lalaking ito (1Ti 1:19), at lumilitaw na nagtuturo sila ng maling doktrina. Halimbawa, sinabi ni Pablo sa 2Ti 2:16-18 na itinuturo nina Himeneo at Fileto na naganap na ang pagkabuhay-muli. “Sinisira nila ang pananampalataya ng ilan.” (Tingnan ang mga study note sa 2Ti 2:18.) Posibleng si Alejandro ang panday-tanso na binanggit sa 2Ti 4:14, 15. Sinabi ni Pablo na “napakasama ng mga ginawa” ng taong ito sa kaniya at na “inatake [nito] nang husto ang mensahe” ni Pablo at ng mga kasama niya. (Tingnan ang study note sa 2Ti 4:14.) Ipinapahiwatig ng ekspresyong “kasama rito” na may iba pang indibidwal na hindi nanindigan sa katotohanan at nakakaimpluwensiya na sa ilan sa loob ng kongregasyong Kristiyano.

      ibinigay ko sila kay Satanas: Lumilitaw na nangangahulugan itong inalis sila sa kongregasyon. Kailangang gawin iyon ni Pablo dahil ang mga lalaking ito na binanggit niya ay sadyang gumagawa ng kasalanan at hindi nagsisisi.—Tingnan ang study note sa 1Co 5:5.

      bilang disiplina para matuto: Sinabi dito ni Pablo ang isang dahilan kung bakit ‘ibinibigay kay Satanas,’ o inaalis sa kongregasyon, ang mga makasalanan na hindi nagsisisi. (Tingnan ang study note sa ibinigay ko sila kay Satanas sa talatang ito.) Nawasak ang pananampalataya ng dalawang lalaking tinukoy ni Pablo, kaya kinailangan silang alisin sa kongregasyon para “matuto silang huwag mamusong.” (Tingnan ang study note sa 1Ti 1:19.) Maliwanag na hindi sila inalis para lang parusahan, kundi para turuan din sila. Gaya nga ng sabi ng isang reperensiya, “baka may pag-asa pang magbago sila.”

      mamusong: O “magsalita ng mapang-abuso.”—Tingnan ang study note sa Mat 12:31; Col 3:8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share