Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kaya nga gusto ko na sa lahat ng lugar na pinagtitipunan ninyo, ang mga lalaki ay magpatuloy sa pananalangin, na itinataas ang mga kamay nila nang may katapatan+ at walang halong poot+ at mga debate.+

  • 1 Timoteo 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kaya nga nais ko na sa bawat dako ay magpatuloy sa pananalangin ang mga lalaki, na itinataas ang matatapat na kamay,+ hiwalay sa poot+ at mga debate.+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:8

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 796

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1310

      Ang Bantayan,

      11/15/2002, p. 19

      11/15/1992, p. 23

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:8

      ang mga lalaki ay magpatuloy sa pananalangin: Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang pangunguna sa panalangin ng kongregasyon, na sa mga lalaki lang iniaatas. (1Co 14:34; 1Ti 2:11, 12) Ang pagtataas ng mga kamay ay karaniwang posisyon sa pananalangin noong panahon ng Bibliya; puwedeng itaas ng lalaking nangunguna sa panalangin ang mga kamay niya habang nagsusumamo sa Diyos. (Ihambing ang 1Ha 8:22, 23.) Pero hindi laging ganiyan ang posisyon sa pananalangin ng tapat na mga mananamba, at wala ring espesipikong binabanggit ang Bibliya na pinakaangkop na posisyon. (1Cr 17:16; Mar 11:25; Gaw 21:5) Ang pinakamahalaga ay ang saloobin ng nananalangin. Sa talatang ito, idiniriin ni Pablo na mahalaga ang katapatan ng nananalangin. Ang salitang Griego para sa “katapatan” ay puwede ring isaling “kabanalan,” “kadalisayan,” “kalinisan.” Kaya ang mahalaga kay Jehova ay ang kalinisan sa moral ng isang tao at ang katapatan at pagtitiwala nito sa kaniya.—Ihambing ang study note sa Tit 1:8.

      walang halong poot at mga debate: Ang payong ito ay kaayon ng isa sa mga kuwalipikasyon para sa mga Kristiyanong tagapangasiwa na binanggit ni Pablo sa sumunod na bahagi ng liham na ito—hindi siya dapat palaaway. (1Ti 3:1, 3) Kaya ipinapakita dito ni Pablo na hindi dapat manguna sa pampublikong panalangin ang isang lalaking Kristiyano kung nasisira niya ang pagkakaisa ng kongregasyon, o gaya ng sabi sa isang salin, “kung magagalitin o palaaway siya.” Madaling lalabas sa panalangin ng isa ang ganitong negatibong saloobin. Kaayon din ito ng payo ni Pablo sa lahat ng Kristiyano na umiwas sa paghihinanakit at pakikipagtalo.—Efe 4:31; Fil 2:14; Col 3:8 at study note.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share