Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 3:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 isang lalaking namumuno* sa sarili niyang pamilya* sa mahusay na paraan, na may mga anak na masunurin at mabuti ang asal+

  • 1 Timoteo 3:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 isang lalaking namumuno sa kaniyang sariling sambahayan sa mahusay na paraan,+ may mga anak na nagpapasakop nang buong pagkaseryoso;+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:4

      Organisado, p. 32, 34, 133-134

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 651

      Ang Bantayan,

      6/15/2011, p. 26

      10/15/1996, p. 20-21

      5/15/1993, p. 17-19

      9/1/1990, p. 24-25

      5/15/1989, p. 20

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:4

      namumuno: O “nangangasiwa.”—Tingnan ang study note sa Ro 12:8.

      namumuno sa sarili niyang pamilya sa mahusay na paraan: Makikita sa talata 5 kung ano ang ibig sabihin ng ekspresyong “namumuno.” Doon, ang ‘pangangalaga’ ng isang tagapangasiwa sa “kongregasyon ng Diyos” ay inihalintulad ni Pablo sa pamumuno, o pangangasiwa, ng asawang lalaki sa pamilya nito. (1Ti 3:5) Ayon sa isang reperensiya, ang pandiwang isinalin sa talatang iyon na “aalagaan” ay “tumutukoy sa pangunguna (pagpatnubay) at pangangalaga.” Kaya ipinapakita sa konteksto na ang isang asawa at ama ay hindi dapat maging isang malupit na ulo o diktador, kundi isang lalaki na nagmamahal at nangangalaga sa pamilya niya.—Tingnan ang study note sa 1Ti 3:5.

      may mga anak na masunurin at mabuti ang asal: O ”may mga anak na nagpapasakop nang buong pagkaseryoso.” Ang pariralang “nang buong pagkaseryoso” ay lumilitaw na para sa “mga anak” at hindi sa “ama,” gaya ng sinasabi ng ilan. Ang mga Kristiyanong anak ay “nagpapasakop nang buong pagkaseryoso” kung masunurin sila, magalang, at mabuti ang asal. Kumikilos sila nang angkop sa edad nila at kalagayan. Ipinapakita ng Bibliya na natural lang sa mga bata na tumawa at maglaro. (Luc 7:32; ihambing ang Ec 3:4; Isa 11:8.) Sa 1Co 13:11, sinabi ni Pablo na noong bata siya, nagsasalita siya, nag-iisip, at nangangatuwiran na “gaya ng bata.” Kaya hindi naman niya sinasabi dito na dapat asahan ang mga bata na mangatuwiran o kumilos na parang mga adulto.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share