-
1 Timoteo 3:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 (kung hindi nga alam ng sinumang lalaki kung paano mamuno sa kaniyang sariling sambahayan, paano niya aalagaan ang kongregasyon ng Diyos?)
-
-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
aalagaan: Ang salitang Griego na ginamit dito ay ginamit din ng manunulat ng Ebanghelyo na si Lucas sa ilustrasyon tungkol sa mabuting Samaritano na ‘nag-alaga’ sa lalaking binugbog ng mga magnanakaw. (Luc 10:34, 35) Kaya kailangan ding ‘alagaan’ ng isang tagapangasiwa ang kongregasyon at ilaan ang pangangailangan nito.
-