-
1 Timoteo 5:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 sa matatandang babae na gaya ng sa iyong ina, at sa mga nakababatang babae na gaya ng sa kapatid mong babae nang may malinis na puso.
-
-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
may malinis na puso: O “may kadalisayan.” Ang salitang Griego na isinaling “may malinis na puso” ay puwedeng tumukoy sa pagiging malinis sa paggawi (kasama na ang seksuwal na paggawi), pag-iisip, at motibo. (1Ti 4:12; tingnan ang study note sa Fil 4:8.) Dapat pakitunguhan ni Timoteo ang mga nakababatang babaeng Kristiyano na parang mga kapatid niya talaga. Kailangan niyang makitungo nang may malinis na puso sa kanila, pati na sa lahat ng iba pang kapatid; ibig sabihin, pananatilihin niyang malinis ang kaniyang isip, pananalita, at paggawi.—Job 31:1.
-