Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 5:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Oo, kung ang sinuman ay hindi naglalaan sa mga nasa pangangalaga niya, lalo na sa mga miyembro ng pamilya niya, itinakwil na niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa walang pananampalataya.+

  • 1 Timoteo 5:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kung ang sinuman nga ay hindi naglalaan para roon sa mga sariling kaniya,+ at lalo na para roon sa mga miyembro ng kaniyang sambahayan,+ itinatwa+ na niya ang pananampalataya+ at lalong masama kaysa sa taong walang pananampalataya.

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:8

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      12/2023, p. 27

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, artikulo 130

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 49

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      8/2018, p. 24

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 643

      Manatili sa Pag-ibig, p. 137

      Ang Bantayan,

      4/15/2014, p. 24

      2/15/2012, p. 7

      5/15/2011, p. 7

      5/1/2007, p. 20-21

      6/15/2005, p. 18-20

      6/1/1998, p. 20-21

      9/1/1997, p. 4-5

      8/15/1997, p. 19-20

      10/15/1996, p. 22-23

      10/1/1996, p. 29-31

      2/15/1993, p. 23

      11/1/1992, p. 17

      11/1/1988, p. 22

      9/1/1988, p. 30

      7/15/1988, p. 21

      2/15/1988, p. 31

      6/15/1987, p. 24-27

      6/1/1987, p. 13-14

      11/1/1986, p. 21

      Pag-ibig ng Diyos, p. 116

      Kaligayahan sa Pamilya, p. 160

      Kaalaman, p. 145-146

      Tagapaghayag, p. 305

      Gumising!,

      2/22/1993, p. 7

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:8

      naglalaan: Tumutukoy sa materyal na paglalaan. Ipinakita dito ni Pablo na obligasyon ng mga ulo ng pamilya na maglaan sa kanilang asawa at anak hangga’t posible. Kung minsan, hindi na rin kayang suportahan ng magulang o lolo’t lola na wala nang asawa ang kanilang sarili. Sa ganitong kalagayan, sisikapin ng adultong mga anak na maglaan sa kanila. Baka may malalaking gastusin na kailangan nilang paghandaan o baka kailangan nilang gumawa ng mga kaayusan para may mag-alaga sa matatanda nilang kapamilya. (Ihambing ang Ju 19:26, 27.) Ipinakita ni Pablo na hindi lang obligasyon ang dapat magpakilos sa mga Kristiyano na sundin ang utos na ito, kundi ang kagustuhan nilang mapasaya ang Diyos at tanggapin ang pagsang-ayon niya.—Exo 20:12; Deu 5:16; Mat 15:4-6.

      sa mga nasa pangangalaga niya, lalo na sa mga miyembro ng pamilya niya: Mas malawak ang kahulugan ng ekspresyong “mga nasa pangangalaga niya” at tumutukoy ito sa malalapít na kamag-anak. Ang ekspresyon namang “mga miyembro ng pamilya niya” sa kontekstong ito ay tumutukoy sa mismong pamilya niya na nakatira sa bahay niya.

      itinakwil na niya ang pananampalataya: Ang Kristiyanong pananampalataya ay tumutukoy sa lahat ng itinuro ni Kristo at ng mga alagad niya sa patnubay ng espiritu. Kasama sa mga itinuro ni Jesus ang utos ng Diyos na ‘parangalan ang ama at ina,’ at hinatulan niya ang mga hindi sumusunod dito. (Exo 20:12; Deu 5:16; Mar 7:9-13) Kaya hindi masasabing may pananampalataya ang isang Kristiyano kung hindi niya aalagaan ang pamilya niya, pati na ang magulang niya, lolo, o lola na wala nang asawa. Kung sadya niyang binabale-wala ang obligasyong ito, para bang itinakwil niya ang pananampalataya niya. Magiging mas masahol pa sa walang pananampalataya ang taong ito, dahil may mga di-mánanampalatayá na nag-aalaga sa pamilya nila udyok ng pag-ibig.—Ro 2:14, 15.

      walang pananampalataya: Sa ilang saling Hebreo ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang mababasa dito ay “isang taong nagtakwil kay Jehova.” Pero dahil walang patunay na ginamit sa orihinal na tekstong Griego ang pangalan ng Diyos, hindi ginamit ng New World Bible Translation Committee ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto ng talatang ito.—Tingnan ang Ap. C.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share