Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 5:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang matatandang lalaki na nangangasiwa sa mahusay na paraan+ ay dapat ituring na karapat-dapat sa dobleng karangalan,+ lalo na ang mga nagsisikap nang husto sa pagsasalita at pagtuturo tungkol sa salita ng Diyos.+

  • 1 Timoteo 5:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang matatandang lalaki na namumuno+ sa mahusay na paraan ay kilalaning karapat-dapat sa dobleng karangalan,+ lalo na yaong mga nagpapagal sa pagsasalita at pagtuturo.+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 5:17

      Kaunawaan, p. 67, 1451

      Kaunawaan, p. 351-352, 587, 864

      Ang Bantayan,

      10/1/1997, p. 20

      2/1/1991, p. 23

      9/15/1989, p. 22

      6/1/1986, p. 24

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:17

      matatandang lalaki: Napakalapít ni Pablo sa mga kapatid sa kongregasyon sa Efeso. (Gaw 19:1, 8-10; 20:17, 31, 37, 38) Huli niyang nakausap ang matatandang lalaki doon mga ilang taon bago niya isulat ang liham na ito (mga 56 C.E.) noong papatapos na ang ikatlong paglalakbay niya bilang misyonero. (Tingnan ang study note sa Gaw 20:17.) Noong magkita sila, idiniin ni Pablo kung gaano kahalaga para sa mga tagapangasiwa na pastulan ang kawan ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Gaw 20:28.) Dito naman, tinutulungan ni Pablo ang mga kapatid na pahalagahan ang ginagawa ng masisipag na matatandang lalaki sa kanilang kongregasyon.

      nangangasiwa sa mahusay na paraan: Ang terminong Griego na isinaling “nangangasiwa” ay literal na nangangahulugang “tumayo sa harap.” (Tingnan ang study note sa Ro 12:8.) Sa makasagisag na diwa, tumatayo sa harap ng kongregasyon ang matatandang lalaki kapag nangunguna sila sa pagtuturo, iniingatan nila ang kawan mula sa espirituwal na kapahamakan, at tinutulungan nila ang bawat indibidwal na manatiling malapít kay Jehova. Sinasabi rin sa Bibliya na ang mga ama ay “nangangasiwa” sa pamilya nila. (1Ti 3:4, tlb.) Kung minsan, kailangan nilang gumawa ng mga desisyon at patakaran pa nga para sa kanilang pamilya. Pero walang ganiyang awtoridad sa kongregasyon ang mga tagapangasiwa. (2Co 1:24; Gal 6:5) Mapagpakumbaba nilang kinikilala na si Kristo ang ulo nila, kaya tinutularan nila ang mga katangian niya, lalo na ang kaniyang kapakumbabaan, sa pakikitungo sa kawan.—Mat 20:24-28; Ju 13:13-16; Col 1:18.

      karapat-dapat sa dobleng karangalan: Dapat igalang at parangalan ng lahat ng Kristiyano ang isa’t isa. (Ro 12:10; Fil 2:3) Pero idiniin dito ni Pablo na doble, o higit, na karangalan ang dapat ipakita ng kongregasyon sa masisipag na matatandang lalaki. Magagawa nila ito kung susunod sila sa tagubilin at tutularan ang magandang halimbawa ng mga ito. (Heb 13:7, 17) Makikita sa sumunod na talata sa 1Ti 5:18 na puwede ring tumukoy sa materyal na tulong ang pagbibigay ng “dobleng karangalan.” Pero hindi ito nangangahulugan na dapat suwelduhan ang matatandang lalaki, dahil mismong si Pablo ay nagtrabaho para suportahan ang sarili niya, gaya ng sinabi niya sa matatandang lalaki sa kongregasyon sa Efeso.—Gaw 18:3; 20:17, 34; 1Co 4:16; 11:1; 1Te 2:6 at study note, 9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share