-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
akusasyon: Posibleng maakusahan ng seryosong paglabag sa Kasulatan ang isang matandang lalaki; kung mapatunayan ito, hindi na masasabing siya ay “di-mapupulaan.” (1Ti 3:2; Tit 1:5) Kaya hindi na siya kuwalipikadong maglingkod bilang isang matandang lalaki. Kung mabigat ang kasalanang inaakusa sa kaniya, puwede pa nga siyang alisin sa kongregasyon.—1Co 5:13; 6:9, 10.
matandang lalaki: Ang salitang Griego na ginamit dito, pre·sbyʹte·ros, ay puwedeng tumukoy sa isang lalaking may-edad na o sa isang lalaking may awtoridad at pananagutan sa loob ng kongregasyong Kristiyano.—Tingnan ang study note sa Gaw 20:17; 1Ti 5:1.
kung may dalawa o tatlong testigo: Sa patnubay ng espiritu, kinuha ni Pablo ang pamantayang ito mula sa Kautusang Mosaiko para gamitin sa isang espesipikong sitwasyon—kapag may nag-akusa sa isang matandang lalaki ng seryosong paglabag sa kautusan ng Diyos. (Deu 17:6; 19:15) Mapoprotektahan nito ang tapat na tagapangasiwa mula sa akusasyon ng isang tao na gusto lang siyang siraan. Dahil kasi sa maling akusasyong iyon, puwedeng masira ang reputasyon ng inosenteng tagapangasiwa at mawala ang pribilehiyo niyang alagaan ang kongregasyon. Pero kung may “dalawa o tatlong testigo” na nagpapatunay sa akusasyong iyon, kailangang kumilos ang lupon ng matatanda para disiplinahin ang akusado.
-