Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 6:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Para sa mga alipin,* dapat na patuloy nilang ituring ang may-ari sa kanila na karapat-dapat sa buong karangalan+ para hindi mapagsalitaan ng masama ang pangalan ng Diyos at ang mga turo niya.+

  • 1 Timoteo 6:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Patuloy na ituring ng lahat ng mga alipin na nasa ilalim ng pamatok ang mga may-ari sa kanila bilang karapat-dapat sa buong karangalan,+ upang ang pangalan ng Diyos at ang turo ay hindi mapagsalitaan nang nakapipinsala.+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:1

      Ang Bantayan,

      2/1/1991, p. 21

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:1

      mga alipin: O “mga nasa ilalim ng pamatok ng pagkaalipin.” Ang salitang “pamatok” ay kadalasan nang ginagamit noon sa makasagisag na paraan para tumukoy sa pagiging alipin o paglilingkod sa isang panginoon. (Tit 2:9, 10; 1Pe 2:18; tingnan sa Glosari, “Pamatok.”) Maraming alipin sa Imperyo ng Roma, kasama na ang ilang Kristiyano. Hindi itinaguyod at hindi rin binatikos ng mga tagasunod ni Jesus ang kaayusan ng gobyerno noon sa pagkakaroon ng alipin. (1Co 7:20, 21) Hindi nakialam si Jesus sa mga usaping panlipunan, at sinabi rin niya sa mga tagasunod niya na “hindi sila bahagi ng sanlibutan.” (Ju 17:14) Nagpokus si Jesus sa pangangaral ng Kaharian ng Diyos, na tatapos sa lahat ng uri ng kalupitan at kawalang-katarungan.—Tingnan ang study note sa Ju 18:36; tingnan din sa Media Gallery, “Trabaho ng Isang Alipin.”

      patuloy nilang ituring ang may-ari sa kanila na karapat-dapat sa buong karangalan: Pinayuhan ni Pablo ang mga Kristiyanong alipin na igalang ang kanilang mga panginoon. Makikita ang saloobin ng isang alipin sa kaniyang mga ginagawa, kung responsable siya sa trabaho niya. Kapag hindi niya nirerespeto ang panginoon niya, ipinapakita nito na hindi niya isinasabuhay ang mga natututuhan niya bilang Kristiyano. Makakasira din siya sa pangalan ng Diyos.—Col 3:22, 23; tingnan ang study note sa Efe 6:5, 6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share