-
1 Timoteo 6:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Ipagpatuloy mo ang marangal na pakikipaglaban para sa pananampalataya; manghawakan kang mahigpit sa buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito at nagbigay ka ng mahusay na patotoo tungkol dito sa harap ng maraming saksi.
-
-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ipagpatuloy mo ang marangal na pakikipaglaban para sa pananampalataya: Ang pandiwa at pangngalang Griego sa ekspresyong ‘ipagpatuloy ang pakikipaglaban’ ay tumutukoy noon sa pakikipaglaban ng mga atleta sa mga paligsahan para manalo. (Tingnan ang study note sa Luc 13:24; 1Co 9:25.) Kaya idinidiin dito ni Pablo na kailangang makipaglaban ang mga Kristiyano para sa pananampalataya nila sa Diyos na Jehova at kailangan nilang ipagtanggol ang mga katotohanan sa Bibliya na pinaniniwalaan nila. Talagang “marangal” ang pakikipaglaban na ito.—Tingnan ang mga study note sa 2Ti 4:7.
buhay na walang hanggan: Tingnan ang study note sa 1Ti 6:19.
-