Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Kaya naman pinaaalalahanan kita na paningasin mong tulad ng apoy ang regalo ng Diyos na tinanggap mo nang ipatong ko sa iyo ang mga kamay ko.+

  • 2 Timoteo 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sa mismong dahilang ito ay pinaaalalahanan kita na paningasing tulad ng apoy+ ang kaloob+ ng Diyos na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay sa iyo.+

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:6

      Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya, artikulo 24

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      12/2020, p. 28-29

      Tanong ng mga Kabataan, Tomo 2, p. 116

      Ang Bantayan,

      2/15/1998, p. 26

      Gumising!,

      3/22/1998, p. 21

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:6

      paningasin mong tulad ng apoy: Ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para himukin si Timoteo na patuloy na ibigay ang buong makakaya niya sa paggamit ng regalong natanggap niya. Ang anyo ng pandiwang Griego na isinalin ditong “paningasin [na] tulad ng apoy” ay nagpapahiwatig ng patuluyang pagkilos; sinabi ng isang iskolar na nangangahulugan itong “patuloy na paglagablabin ang apoy.” Karaniwan noon na panatilihing nagbabaga ang mga uling para hindi mamatay ang apoy. Hindi sinasabi dito ni Pablo na ang espirituwal na “regalo ng Diyos” kay Timoteo ay gaya ng namatay na apoy na kailangan ulit pagningasin. Sa halip, gaya ito ng apoy sa nagbabagang mga uling na kailangan lang na lalong pagningasin.

      regalo ng Diyos: Dito at sa nauna niyang liham, parehong may binanggit si Pablo na isang regalong natanggap ni Timoteo. (Tingnan ang study note sa 1Ti 4:14.) Pero may pagkakaiba sa dalawang ulat na ito. Dito, sinabi ni Pablo na siya ang nagpatong ng kamay kay Timoteo. Wala siyang binanggit na lupon ng matatanda; wala rin siyang binanggit na hula, di-gaya ng ginawa niya sa nauna niyang liham. Kaya hindi tiyak kung iisang pangyayari lang ang tinutukoy niya. Iisang pangyayari man ito o hindi, lumilitaw na ang regalong tinutukoy dito ni Pablo ay isang kaloob ng espiritu—isang espesyal na kakayahan na tumutulong kay Timoteo para magampanan ang atas niya.

      ipatong ko sa iyo ang mga kamay ko: Tingnan ang study note sa Gaw 6:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share