Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Dahil hindi duwag na puso+ ang ibinigay sa atin ng espiritu ng Diyos* kundi kapangyarihan,+ pag-ibig, at matinong pag-iisip.

  • 2 Timoteo 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng karuwagan,+ kundi ng kapangyarihan+ at ng pag-ibig at ng katinuan ng pag-iisip.+

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:7

      Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya, artikulo 24

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 47

      Ang Bantayan,

      9/15/2013, p. 23-24

      5/15/2009, p. 15

      10/1/2006, p. 22

      10/15/1988, p. 25

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:7

      hindi duwag na puso ang ibinigay sa atin ng espiritu ng Diyos: Sa kontekstong ito, ang salitang Griego para sa “espiritu” (pneuʹma) ay puwedeng tumukoy sa banal na espiritu ng Diyos o sa nangingibabaw na saloobin ng isa. (Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”) Posibleng pareho itong nasa isip ni Pablo nang isulat niya ito. Kaya malamang na ito ang pinakadiwa ng gusto niyang sabihin: “Ang banal na espiritu na ibinibigay sa atin ng Diyos ay hindi nagbibigay sa atin ng espiritu ng pagiging duwag, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig, at matinong pag-iisip.”

      duwag: Ang salitang Griego na isinalin ditong “duwag” ay tumutukoy sa di-tamang pagkatakot, sa takot na itaguyod ang tama. Dahil sa ganiyang pagkatakot, panghihinaan ng loob ang isang Kristiyano at baka iwan pa nga niya ang tunay na pagsamba.

      kapangyarihan: Ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para tiyakin kay Timoteo na hindi kailangang umasa ng mga Kristiyano sa sarili nilang lakas ng loob para madaig ang takot. Sa halip, bibigyan sila ng Diyos ng kapangyarihang kailangan nila para magawa ang ministeryo nila at mapagtagumpayan ang anumang nakakatakot na problema o hamon.—2Co 4:7-10; 12:9, 10; Fil 4:13.

      pag-ibig: Ang matinding pag-ibig kay Jehova ang panlaban sa takot. (1Ju 4:18) Pag-ibig ang nag-uudyok sa mga tagasunod ni Kristo na unahin ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili nila. Dahil dito, handa pa nga nilang isapanganib ang buhay nila para sa iba.—Tingnan ang study note sa Ju 13:34; Ro 16:4.

      matinong pag-iisip: Maraming beses na binanggit ni Pablo ang tungkol sa pagkakaroon ng matinong pag-iisip. (Ro 12:3; 1Ti 2:9, 15; 3:2 at study note) Sinasabi dito ni Pablo na makakatulong ito sa mga Kristiyano na manatiling balanse kahit mapaharap sila sa mga panganib na puwedeng maging dahilan para makagawa sila ng padalos-dalos na mga desisyon. Makakatulong din ang katinuan ng pag-iisip para maalala ng isang Kristiyano na ang kaugnayan niya kay Jehova ang pinakamahalaga sa lahat. Ang tatlong ito—kapangyarihan, pag-ibig, at matinong pag-iisip—ay galing sa Diyos at hindi sa sarili. Kaya dito, tinitiyak ni Pablo kay Timoteo na magagamit niyang mabuti ang regalong ibinigay sa kaniya at makakayanan niya ang anumang matinding hamon na mapaharap sa kaniya.—2Ti 1:6, 8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share