-
2 Timoteo 2:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Ang masipag na magsasaka ang dapat na unang makinabang sa mga bunga.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
masipag na magsasaka: Sa ilustrasyong ito, ang salitang Griego na isinaling “masipag” ay nangangahulugang “nagpapagal; puspusang nagtatrabaho” at puwedeng tumukoy sa pagtatrabaho hanggang sa maubos ang lakas. Kailangang magpakapagod sa pagtatrabaho ang isang magsasaka—sa ilalim ng mahihirap na kondisyon kung minsan—kung gusto niya ng magandang ani. Kailangan ding maging masipag at mapagsakripisyo ni Timoteo para makuha niya ang pagsang-ayon ng Diyos.—1Co 3:6, 7; Col 1:28, 29; ihambing ang study note sa 1Ti 4:10.
-