-
2 Timoteo 2:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Lagi mong pag-isipan ang sinasabi ko; ipauunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng bagay.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Lagi mong pag-isipan ang sinasabi ko: Ang salitang Griego para sa ‘laging pag-isipan’ ay puwede ring isaling “unawain.” (Mat 24:15; Mar 13:14) Katatapos lang gumamit ni Pablo ng tatlong ilustrasyon (2Ti 2:3-6); ngayon, pinapayuhan niya si Timoteo na pag-isipang mabuti ang mga ito para maisabuhay niya ang mga aral na natutuhan niya. (Ihambing ang study note sa 1Ti 4:15.) Tinitiyak ni Pablo kay Timoteo na ipauunawa sa kaniya ng Panginoong Jehova ang mga bagay na kailangan niyang maintindihan. Posibleng kinuha ni Pablo ang pampatibay na ito sa Kaw 2:6.
-