Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 2:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Gawin mo ang iyong buong makakaya para maging kalugod-lugod ka sa harap ng Diyos, isang manggagawa na walang ikinahihiya at ginagamit nang tama ang salita ng katotohanan.+

  • 2 Timoteo 2:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Gawin mo ang iyong buong makakaya na iharap sa Diyos ang iyong sarili bilang sinang-ayunan,+ manggagawa+ na walang anumang ikinahihiya,+ na ginagamit nang wasto ang salita ng katotohanan.+

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:15

      Ang Bantayan,

      2/15/2010, p. 11-12

      11/15/2003, p. 9-10

      1/1/2003, p. 27-28

      12/1/2002, p. 15

      1/15/1997, p. 7

      1/1/1996, p. 29-31

      2/1/1987, p. 15-20

      Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 153-154

      Ministeryo sa Kaharian,

      7/1990, p. 1

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:15

      Gawin mo ang iyong buong makakaya: Ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para himukin si Timoteo na “maging masigasig, magpakahirap, gawin ang lahat, maging masipag,” na kahulugan ng salitang Griegong ito (spou·daʹzo) sa isang diksyunaryo. At kapag natanggap ni Timoteo ang pagsang-ayon ng Diyos, magiging mahusay siyang manggagawa. Kung gayon, wala siyang ikakahiya, kahit hindi mapahalagahan ng iba ang ginagawa niya o usigin pa nga siya.

      ginagamit nang tama ang salita ng katotohanan: Ang pandiwang Griego na ginamit dito ni Pablo ay literal na nangangahulugang “pumutol nang tuwid.” May ilang posibleng pinagbatayan si Pablo ng ekspresyong ito. Halimbawa, dahil gumagawa siya ng tolda, posibleng nasa isip niya ang tuwid na pagputol sa tela. O posible ring ibinatay niya ito sa pagkakagamit dito ng Septuagint sa Kaw 3:6 at 11:5, kung saan ang pandiwa ay tumutukoy sa pagtutuwid ng isang tao sa landas niya. Puwede ring tumukoy ang pandiwang ito sa ibang bagay, gaya ng pag-aararo nang tuwid ng isang magsasaka. Alinman dito ang pinagbatayan ni Pablo, sinasabi lang niya kay Timoteo na kapag nagtuturo ito ng Salita ng Diyos, dapat niya itong gamitin nang tama at ipaliwanag nang may katumpakan at hindi siya dapat lumihis o mawala sa pokus dahil lang sa pakikipagdebate tungkol sa mga opinyon, salita, at iba pang walang-katuturang mga bagay.—2Ti 2:14, 16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share