Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Lumihis sa katotohanan ang mga taong ito dahil sinasabi nilang nangyari na ang pagkabuhay-muli,+ at sinisira nila ang pananampalataya ng ilan.

  • 2 Timoteo 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ang mga tao ngang ito ay lumihis mula sa katotohanan,+ na nagsasabing ang pagkabuhay-muli ay nangyari na;+ at kanilang iginugupo ang pananampalataya ng ilan.+

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:18

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 995

      Ang Bantayan,

      12/1/2006, p. 5

      1/1/2003, p. 28

      2/1/1987, p. 28

      4/1/1986, p. 31

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:18

      sinasabi nilang nangyari na ang pagkabuhay-muli: Lumilitaw na may ilang huwad na mga guro sa Efeso, gaya nina Himeneo at Fileto, na nagtuturong binuhay nang muli sa makasagisag na paraan ang mga nakaalay na Kristiyano. Posible pa ngang pinipilipit ng ilan sa kanila ang sinabi ni Pablo para masuportahan ang maling paniniwala nila. Totoo, itinuro ni Pablo na kapag nabautismuhan ang isang makasalanan, namatay na siya sa dating paraan ng pamumuhay niya at para bang binuhay na siyang muli. Pero kahit totoo ang makasagisag na pagkabuhay-muli, may itinuturo pa rin ang Bibliya na literal na pagkabuhay-muli. Ang mga nagtuturo na “nangyari na” ang pagkabuhay-muli at walang literal na pagkabuhay-muli ay mga apostata.—Ro 6:2-4, 11; Efe 5:14; tingnan ang study note sa Efe 2:1.

      sinisira nila ang pananampalataya: Mga 10 taon nang nilalabanan ni Pablo ang maling mga turo na kumokontra sa pag-asang pagkabuhay-muli. (1Co 15:2 at study note, 12; ihambing ang Gaw 17:32.) Ang mga nagsasabing hindi totoo ang pagkabuhay-muli at pagiging perpekto sa hinaharap, sa langit man o sa lupa, ay tuwirang sumasalungat sa Kasulatan. (Dan 12:13; Luc 23:43; 1Co 15:16-20, 42-44) Kung hahayaan ng mga Kristiyano na masira ng maling turo tungkol sa pagkabuhay-muli ang pananampalataya nila, mawawala ang pag-asa nilang mabuhay muli sa hinaharap.—Ju 5:28, 29.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share