-
2 Timoteo 2:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Kaya tumakas ka mula sa mga pagnanasang karaniwan sa mga kabataan; itaguyod mo ang katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tumakas . . . itaguyod: Tingnan ang study note sa 1Ti 6:11.
pagnanasang karaniwan sa mga kabataan: Nang tanggapin ni Timoteo ang liham na ito, posibleng mahigit 30 anyos na siya. (Tingnan ang study note sa 1Ti 4:12.) Pero hinimok pa rin siya ni Pablo na “tumakas . . . mula sa mga pagnanasang karaniwan sa mga kabataan,” o magkaroon ng disiplina sa sarili para malabanan ang mga pagnanasang ito. (Ec 11:9, 10) Kasama dito ang imoral na seksuwal na pagnanasa. (Kaw 7:7-23; tingnan ang study note sa 1Co 6:18.) Puwede rin itong tumukoy sa pagiging sakim sa materyal na mga bagay at kapangyarihan, sa hilig na makipagkompetensiya, at sa sobra-sobrang pagpapalugod sa sarili.—Kaw 21:17; Luc 12:15; Gal 5:26; 1Ti 6:10; 2Ti 3:4; Heb 13:5.
itaguyod mo ang katuwiran: Tingnan ang study note sa 1Ti 6:11.
mga tumatawag sa Panginoon: Pinasigla ni Pablo si Timoteo na makipagsamahan sa mga kapananampalataya niyang sinasabi dito ni Pablo na “mga tumatawag sa Panginoon.” (Tingnan ang study note sa Ro 10:13.) Mabubuting kasama ang mga Kristiyanong ito dahil may malinis na puso sila. Malinis sila sa moral at espirituwal, dahil wala silang masamang motibo at buong puso silang naglilingkod kay Jehova. (Tingnan ang study note sa 1Ti 1:5.) Matutulungan nila si Timoteo na tumakas mula sa mga pagnanasang karaniwan sa mga kabataan at magkaroon ng mabubuting katangian.
Panginoon: Batay sa konteksto, lumilitaw na ang “Panginoon” dito ay tumutukoy sa Diyos na Jehova. (2Ti 2:19) Sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J7, 8, 17, 22 sa Ap. C4), ginamit dito ang pangalan ng Diyos.
-