-
2 Timoteo 3:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At may ilan sa kanila na pumapasok sa mga sambahayan sa tusong paraan at minamanipula ang mahina at makasalanang mga babae na nagpapadala sa iba’t ibang pagnanasa
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pumapasok sa mga sambahayan sa tusong paraan: Kasama ang masasamang taong ito sa mga “mukhang makadiyos pero iba naman ang paraan ng pamumuhay.” (2Ti 3:5) Ipinapahiwatig ng pandiwang Griego na isinaling “pumapasok . . . sa tusong paraan” na mapagpanggap at manloloko ang mga taong ito. Puwede rin itong isaling “nakakalusot.” Posibleng tinutukso ng mga lalaking ito ang ‘mahihinang babae’ na gumawa ng imoralidad.
mahina at makasalanang mga babae: Tinutukoy dito ni Pablo ang ilang babae sa kongregasyon na mahina ang espirituwalidad; hindi sila napopoot sa masama. Kaya nagpapadala sila sa iba’t ibang pagnanasa, o posibleng matindi ang kanilang makasalanang pagnanasa. Madaling mamanipula o maimpluwensiyahan ng masasamang lalaki ang ganitong mga babae. Posibleng nililinlang sila ng mga lalaking ito para isiping mapapatawad sila ng maawaing Diyos kahit na magkasala sila.—Jud 4.
-