-
2 Timoteo 3:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 at laging nag-aaral pero hindi lubusang nakukuha ang tumpak na kaalaman sa katotohanan.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
laging nag-aaral: Kahit na nag-aaral ang mga babaeng tinutukoy dito ni Pablo, hindi sila nagsisikap na lubusang makuha ang “tumpak na kaalaman sa katotohanan.” Hindi lang basta impormasyon ang taglay ng mga Kristiyanong may “tumpak na kaalaman.” (Tingnan ang study note sa Efe 4:13.) Sumusulong sila at nagkakaroon ng kaisipang gaya ng kay Jehova at lubusang sumusunod sa matuwid na mga pamantayan niya.—Efe 3:17-19; Col 1:9, 10; 2:6, 7.
-