-
2 Timoteo 3:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Sinasalungat nila ang katotohanan, kung paanong sinalungat nina Janes at Jambres si Moises. Talagang baluktot ang isip nila at hindi sila nakaaabot sa pamantayan ng pananampalataya.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Janes at Jambres: Hindi makikita sa Hebreong Kasulatan ang pangalan ng dalawang lalaking ito na nabuhay noong panahon ni Moises, pero sa patnubay ng banal na espiritu, binanggit ni Pablo ang pangalan nila. (2Ti 3:16) Malamang na mataas ang katungkulan ng mga lalaking ito sa palasyo ng Paraon sa Ehipto, at posibleng pinuno ang mga ito ng mga mahikong saserdote na kumalaban kay Moises. (Exo 7:11, 22; 8:7, 18, 19; 9:11) Makikita din ang pangalan nila sa mga sinaunang akdang Judio, na ang ilan ay lumilitaw na mula pa noong unang siglo B.C.E. May ilang di-Judiong manunulat noong una at ikalawang siglo C.E. na bumanggit din sa mga lalaking ito. Binanggit ni Pablo ang mga lalaking ito para patibayin si Timoteo na hindi magtatagumpay ang huwad na mga guro sa Efeso.
-