-
2 Timoteo 3:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 para ang lingkod ng Diyos ay maging lubos na may kakayahan, na handang-handa para sa bawat mabuting gawa.
-
-
Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lingkod ng Diyos: Ang salitang Griego na isinalin ditong “lingkod” (anʹthro·pos) ay tumutukoy sa mga lalaki at babae. Kaya kahit na ang tagapangasiwang si Timoteo ang kausap dito ni Pablo, posibleng nasa isip niya rin ang lahat ng Kristiyanong lalaki o babae na lubusang nakaalay sa Diyos na Jehova. Kaya sa ilang salin, ang mababasa ay “taong pag-aari ng Diyos” o “taong nakaalay sa Diyos.” Gaya ng sinabi sa naunang talata, kailangan na laging pag-aralan ng “lingkod ng Diyos” ang Kasulatan at mamuhay ayon dito.—Tingnan ang study note sa 1Ti 6:11.
handang-handa: Ang salitang Griego na isinaling “handang-handa” ay literal na nangangahulugang “kumpleto sa mga bagay na kailangan.” Halimbawa, ginagamit noon ang salitang ito para tumukoy sa isang bangka na kumpleto sa mga bagay na kailangan para sa paglalayag. Sa katulad na paraan, inilalaan ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Salita ang kaalaman at karunungan na kailangan ng mga Kristiyano para magawa ang tama; handang-handa sila para gawin ang iniatas ng Diyos.
-